VOTE nyo ko and BE A FAN! Click nyo lang yung nasa gilid kung di nyo alam kung pa'no magvote and maging fan. Haha! Kasi ako nung una hirap na hirap akong makita yan. Nyahaha! >>>>>>
COMMENT din. Usap tayo kung gusto nyo. Gawin nating chatterbox to. Haha! XD
SUGGEST din kayo kung ano gusto nyong mangyari sa story na to. Kung magugustuhan ko. Why not diba? Gawan natin ng paraan. :)
I LOVE YOU GUYS!!! Pakiss nga dali!!! Hehe. :)
READ. READ. READ. :)
THANK YOU SO MUCH! :*
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 8:
NAMI'S POV:
Eto pala ang pamilya ni Ted. Teka bakit sila nakatulala sakin. Para silang nakakita ng multo. Ganun na ba ko kapanget? Bakit parang natatakot sila sa mukha ko? Eh kanina lang nakita ko pa sarili ko sa salamin mukha parin akong Diyosa. Bagong gising pa ko non. Hahaha! Peace. V^_^
Eh pero teka bakit nga?
"What are you doing here?" Galit na nakatitig sakin ang kuya ni Ted. Nakakuyom ang mga kamay nya. Ang dilim ng aura nya. Parang gusto nya kong saktan. Teka ano bang nagawa ko?
Pagtingin ko sa mommy nya nakatulala pa din eto sakin. Tumayo sya mula sa pagkakaupo at lumapit sya sakin dahan-dahan. Titig na titig sya sakin at hinawakan nya ang pisngi ko.
"Anak?" sabi ng mommy nya.
Ano daw? Anak? Teka! Sa pagkakatanda ko ang mama ko kinidnap ng masasamang tao. Hala! No way! Di kaya binago ng kalaban ng kumpanya namin ang mukha nya para di namin sya makilala?
"Mommy? Kilala mo si Raeka?" tanong ni Ted na nagtataka pa din. "Raeka?" tanong naman sakin ni Ted.
Tinignan ko ang pamilya nila. Ang daddy nila mukhang nagtataka din. Walang ideya kung anong nangyayari. Ang kuya nya hindi makatingin sakin na parang galit.
"Hindi ko alam. Kilala nyo po ba ko?" tanong ko nagtataka na talaga ko. Ang weird ng family na to.
"Hindi mo ba ko kilala? Iha?" sabi ulit ng mommy nya.
"Ngayon ko lang po kayo nameet diba? Hindi pa po kayo iniintroduce ng anak nyo." Nahihiya na ko. Titig na titig sya sakin. Pero pagkasabi ko non ay binitawan na nya ang pisngi ko. Parang nataranta sya.
"Mommy what's happening here? Kuya? Hindi na ko makarelate." Naiinis ng tanong ni Ted.
"Maybe it was a mistake. I thought we know you. Kamukha lang siguro." Sabi ng kuya ni Ted.
"Seriously? After all the drama? Pabasagbasag ka pa ng baso. Mahal yan kuya. Lagot ka kay mommy." Natatawang sabi ni Ted.
Pati tuloy ako natatawa na. Pero ramdam ko parin ang kaseryosohan sa paligid kaya di ako makatawa. Parang wow mali lang. Haha!
"Ok son umupo na kayo. Paupuin mo na mga friends mo. Ikaw din Blake. Umupo ka na." Mahinahong sabi ng daddy ni Ted.
So Blake pala ang name ng weirdo na kuya nya. Sayang ang pogi pa naman. At hot nya. Yum! Ha? Anong sinabi ng utak ko? Gutom na talaga ko. Puro pagkain laman ng isip ko kaya sabi ko yum.
Umupo ako sa harap ng kuya ni Ted. Hindi dahil gusto ko. Wala na kasi kong mauupuan. No choice ako.
Tahimik ang lahat. Pati si Ivory hindi nanggugulo. Behave sya ha? May hiya din pala tong babae na to.

BINABASA MO ANG
When Love and Justice Meet
Romance"I lived a life that other girls could only dream about. It was perfect. But everything turned around in an instant. I lost everything I loved and cherished. How far will I go to get them back?" -Nami Raeka Evans WARNING: This story contains explici...