CHAPTER 12

165 3 1
                                        

CHAPTER 12:

NAMI's POV:

*tok.tok.tok*

"Hhmmm?", pilit kong dinidilat yung isa kong mata.

Antok pa 'ko. Sino ba 'tong kaaga-aga mang-istorbo?

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kama ko. Gggrrr! 9:30 ng umaga? Tutulog pa koooo!

*Tok.tok.tok*

Hindi ko pinapansin yung kumakatok. Tinakpan ko ng unan ang tenga ko. Kunwari wala akong naririnig.

*Tok.tok.tok*

Urggg! Habang tumatagal lumalakas ang katok sa pinto.

Hindi ko din natiis. Bumangon ako para buksan ang pinto.

"Manang ano ba? Kaaga-aga...", pero pagbukas ko hindi si manang ang nasa harap ko.

"Waaaaaaaaaaa!", napasigaw ako. Sabay takip ko sa suot kong pantulog na sobrang nipis. "Anong ginagawa mo dito?!!!"

Umiwas ng tingin si Blake. Nagulat din sya. Hindi nya din siguro inaasahan na ganto ang suot ko pag natutulog.

"Magbihis ka muna. Intayin nalang kita sa baba."

Pagkasabi nun ni Blake ay dali-dali na syang tumalikod.

Binagsak ko ang pinto.

"Grabe! Nakita n'ya kaya? Waaaa! Nakakahiya! Huhu."

Ang nipis naman kasi ng suot ko. Hindi naman kita loob ng katawan ko pero bakat eh. Waaaaa!

Dali-dali na 'kong nagbihis. Nagtoothbrush at naghilamos.

Pagkababa ko nakaupo sa sofa si Blake.

"Ano bang ginagawa mo dito ha Blake? Wala kang respeto. Umakyat ka sa kwarto ko! Sino nagbigay ng pahintulot sa'yo?!"

"Eh kanina ka pa daw kinakatok ni manang 'di ka daw nagigising. Kaya ako na mismo umakyat do'n para gisingin ka. Ang mantika mo kasi matulog.", sabi pa n'ya. Parang 'di s'ya affected sa nangyari.

"Eh ano ba kasing ginagawa mo dito kaaga-aga?", natanong ko nalang.

"Magbihis ka aalis tayo.", utos n'ya.

Aba! Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to ah.

"Ano? Ayoko!"

"Ayaw mo?", tanong n'ya na parang nagbabanta na may gagawin s'ya 'pag 'di ako pumayag.

"A-YO-KO!", diniinan ko pa sa kan'ya lalo.

"Ok. Madali naman akong kausap eh.", ngumiti pa s'ya ng nakakaloko.

"Sige na umal.. Waaaaa!", hindi ko na natapos ang sasabihin ko bigla nalang n'ya kong binuhat. "Anong ginagawa mo bitiwan mo ko!!!" Pagpupumiglas ko.

Wala na din akong nagawa. Sinakay n'ya ko dito sa sasakyan. Grabe daig ko pa ang nakidnap. Huhu.

"Sa'n mo ba ko dadalhin?!", tinignan ko s'ya ng masama.

"Basta!"

BLAKE's POV:

Alam ko na hindi ako maalala ni Nami. Pero s'ya alalang alala ko lahat ng bagay tungkol sa kan'ya.

Diba sabi ko lagot s'ya sa'kin? Eto na ang pagkakataon ko. Aasarin ko lang naman s'ya at alam na alam ko kung pa'no ko yun gagawin.

Alam ko kung pa'no manamit si Nami pag tulog. Kaya ako mismo ang pumunta sa kwarto n'ya. Nakakatawa ang reaction n'ya.

When Love and Justice MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon