CHAPTER 13:
TED's POV:
"Sa'n ka galing?", andito ako ngayon sa sala. Kanina ko pa hinihintay umuwi 'tong si kuya.
"Bakit gising ka pa?", balik n'yang tanong sa'kin.
"Tinatanong kita kung sa'n ka galing!"
"Ano naman sa'yo kung sa'n ako galing? Wala ba kong karapatang umalis ng bahay?"
Kainis. Sumasagot pa.
"Alam mong may family business meeting tayo diba? Kailangan tayo dun ni papa. Kung sa'n-sa'n ka nagpupupunta."
"Mas importante yung pinuntahan ko.", inis n'yang sabi.
"Saan nga?!"
Tumahimik s'ya saka tumingin sa'kin.
"Kay Nami.", nakatingin s'ya sa'kin.
BLAKE's POV:
Ang kulit naman kasi ni Ted. Ayoko na sanang sabihin sa kan'ya kung sa'n ako galing pero ang kulit n'ya eh.
Tinignan ko s'ya. Binabasa ko kung anong nararamdaman n'ya pero wala s'yang reaksyon.
Tumalikod na ko. Umakyat na ko sa taas. Napagod ako ngayong araw na 'to. Magpapahinga na muna ko. Bukas tatanungin ko si Nami tungkol sa lahat ng nangyari kanina.
*Kinabukasan*
=KRRIIINNNGGGGGGGG=
"Aw f*ck!", napamura nalang ako. Nagulat ako sa tunog ng alarm clock ko.
Bumangon ako para mag-ayos ng sarili ko.
Pagbaba ko para magbreakfast. Nadatnan ko sila mommy na kumakain sa lamesa.
"Good morning mommy, daddy!", bati ko. Lumapit ako para ikiss sa cheek si mommy.
"O Blake bakit wala ka kahapon sa meeting?", tanong ni daddy.
"Sorry dad! May inasikaso lang akong importanteng bagay.", pagdadahilan ko.
Alam ko namang may kasalanan ako. Inuna ko pa yung paghihiganti ko dapat kay Nami na pumalpak naman. Aish!
"Mommy na'san na si Ted?", tanong ko.
"Pumasok na kanina pa. Hindi ka ba ginising?", sabi ni mommy. "'Yan tuloy nalate ka."
"Ho?", late? Sino? Ako? Hindi ah. Eh 5:30 A.M palang kanina eh. 7 A.M pa start ng klase.
"Late ka na Blake. Bilisan mo kumain. 7:30 A.M na. Nagsstart na klase mo ngayon."
"Whhhaaattt?", bilis-bilis akong tumingin sa relong suot ko.
Sh*t! Late na nga ako. Pero bakit ganun?
Tumakbo ako papunta sa taas. Tinignan ko ang oras ng alarm clock ko.
F*ck! Mali ang oras ng alarm clock ko. At siguradong may nagbago ng oras no'n. At walang ibang gagawa no'n kundi ang napakabait kong kapatid. TEEEDDD!!!
Dali-dali akong bumaba.
"Mommy alis na ko. Late na late na 'ko."
Hindi ko na sila inantay makapagsalita. Tumalikod na ko at madaling nagdrive.
TED's POV:
Busyng-busy ang lahat sa pag-aayos ng booth para sa event bukas. Habang kami nandito kami ngayon sa classroom. Nagpapractice kami para sa tutugtugin namin bukas.
BINABASA MO ANG
When Love and Justice Meet
Romance"I lived a life that other girls could only dream about. It was perfect. But everything turned around in an instant. I lost everything I loved and cherished. How far will I go to get them back?" -Nami Raeka Evans WARNING: This story contains explici...
