This chapter is dedicated to Becsz23. Hehe. Thanks for reading my story. Love love love love looooove! :*
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 11
"Anong ginagawa n'yo dito?!", nagulat kong sabi.
Kakauwi ko lang ng bahay at pagdating ko nadatnan ko tong dalawang bugok dito sa bahay.
Sino pa nga ba? Eh di tong magkapatid na to. Si Ted at si Blake.
"Hi Nami!", bati ni Ted.
"Sabi ko anong ginagawa nyo dito?", sabi ko.
Kakaasar! Dami-dami ko pang dapat gawin. Istorbo talaga tong magkapatid na to sa buhay ko.
"Kailangan na kasi nating magpractice. Hindi na kasi tayo makakapagpractice tomorrow and sa Sunday. May kanya-kanya kasing lakad lahat ng members. Sa Tuesday na kasi to kaya kailangan na nating ayusin.", si Ted. Ang dami-daming sinasabi.
"O eh asan na yung iba?",tanong ko.
Maya-maya pa ay nagsilabasan na ang mga daga sa kusina. I mean sila Cadee. Kanya-kanyang bitbit ng mga pagkain na galing sa kusina.
"Hi Namiii! Namiss ka namin.", tumakbo si Pamee papunta sa'kin saka ako niyakap.
"Iiikk. Ano ba Pamee?", nakakailang tong isang to.
"OMG Nami! Anong nangyari sa mukha mo? Para kang nirape.", si Ivory nagkokontrabida nanaman. "Eeewww!" , at talagang may kasunod pang eeew?
"Oo nga bakit sugat-sugat ka? May pasa ka pa sa mukha.",napansin din ni Cadee ang mukha ko.
Nagtinginan silang lahat sa'kin. Mukhang di agad nila napansin ang itsura ko nung unang kita nila sa'kin.
Napatingin ako kay Blake. Palapit s'ya sa'kin. Kinuha nya ang kamay ko. Tinignan nya ang kamao ko na may sugat din.
"Ano ba Blake?", binawi ko ang kamay ko.
Hinawakan nya ang mukha ko. Hinimas nya ang sugat ko. Para syang nag-aalala sa'kin.
Maya-maya pa ay biglang sumingit si Ted sa gitna namin. Medyo natulak si Blake.
"Nami ok ka lang ba?",sabi ni Ted. "Anong nangyari sa'yo?"
"Wag nga kayong magulo. Mas ok siguro kung umuwi na kayo pwede? Madami pa kong gagawin eh istorbo kayo.",naiirita kong sabi.
"Ayaw naman na talaga naming pumunta dito noh! Sa totoo lang di ka naman talaga namin kailangan eh!",si Ivory. Nakataas pa ang isang kilay.
"Eh kasi si Blake alalang-alala sa'yo kung bakit di ka pumasok ayaw pang aminin. Hindi mapakali kanina eh. Gustong gusto ng umuwi. Haha!", pang-aasar ni Pamee.
Napatingin ako kay Blake. Nahuli ko syang nakatingin sa'kin pero umiwas agad sya ng tingin.
"Tara na magsimula na tayong magpractice.",singit ni Ted.
Wala na din akong nagawa. Nagsimula na din kaming magpractice. Tutal meron namang mga ibang tumutulong sa'kin para isearch yung mga lugar na nakasulat sa papel na nakita ko.
*Practice
*Practice
*Tugtog
*Kanta
Paulit-ulit. Antok na ko.
*yawn*
Nagtinginan silang lahat sa'kin.

BINABASA MO ANG
When Love and Justice Meet
Romance"I lived a life that other girls could only dream about. It was perfect. But everything turned around in an instant. I lost everything I loved and cherished. How far will I go to get them back?" -Nami Raeka Evans WARNING: This story contains explici...