DAYS had passed ay paulit-ulit lang ang aking routine. Pagkagising sa umaga ay babatiin ako ni dad sa hologram, maliligo, magbibihis, kakain ng breakfast, maglalakad patungo sa capital, at kukunan ng dugo ulit.
Ganon ang ginagawa ko araw-araw. Nagsisimula na nga akong mag-isip kung meron pa ba akong natitirang dugo dahil halos buong araw ay palagi nalang akong tine-test ay kalahating dugo ang kinukuha nila sa'kin.
And yet, I didn't bother to ask kung bakit. Ang alam ko lang naman ay maghahanap sila ng gamot sa sakit ko and that's enough for me to know, nothing else, nothing more.
Nang matapos ang ilang oras sa loob ng laboratory ay nag-suggest si dad na pwede akong umuwi ng maaga, and because I am freaking exhausted ay pumayag ako.
Habang naglalakad ako pauwi sa bahay namin ay may napapalingon sa'kin ng ilang tao, at alam ko na kung ano ang tinitingnan nila.
I have a white thin bandage both in my arms and neck. And not just that, I have a pale skin na halos kapag nasisinagan ako ng araw ay nagliliwanag ang buong katawan ko.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Pero hindi pa nga ako nakakailang hakbang nang may kung sinong lalaki ang sumulpot sa asking harapan. Awtomatiko akong napatigil sa paglalakad dahil sa bigla niyang pagharang sa'kin.
“Hi beautiful.”
Tiningnan ko siya. Sa tingin ko, isa siyang nakatira sa mga walang pambayad ng renta, malalaman mo kaagad kung sino ang mga taong 'yun kasi basi sa pananamit nila.
Once you can't afford the apartment for your family, ilalagay ka ng government sa isang lugar kung saan ka titira, sa lugar kung saan mas mababa ang technology at sa mas komplikadong buhay. Hindi pa ako nakakapunta 'don at ang usap-usapan ng iba ay nasa kabilang city ang lugar.
Sa pagkakaalam ko ay bawal makapasok rito ang mga walang pambayad ng apartment, including those people who aren't supposed to be here.
Malaking kasalanan kapag nakita ka rito ng mga G-Team, deritso kulungan ka kung ganon ang mangyayari. Puwera nalang kung may kakilala o kaibigan kang G-Team dito sa city at papasukin ka, or, kapag may pera ka.
Alam ko na ang takbo ng mga utak ng mga tao, kapag pera na ang usapan ay bibigay rin sila agad, even if it's illegal and dangerous.
“If you're wonderiny why I'm here, pinapasok ako ng kakilala ko sa G-Team.” nakuha niya pang ngumisi sa'kin.
Right, alam ko na kung bakit ka nakapasok dito, mister, no need for you to explain, I already caught you.
“I already know that,” seryosong sabi ko sa kanya. I saw how his eyes widen for what I have said. “Sana alam mo kung anong klaseng kasalanan ang ginagawa mo at kung saan ka nito dadalhin.”
“Huwag mo akong pagsabihan dahil alam ko na ang bagay na 'yan.” he said back.
Tinanguan ko nalang siya bilang sagot, since I have no time for talking to strangers like him ay nilampasan ko na siya at naglakad palayo. Pero nakakailang hakbang palang ako bigla niya akong hinawakan sa kanang braso ko.
I was taken aback and immediately get my arm away from him. “Ano ba?!” Bahagya akong lumayo sa kanya. “Anong kailangan mo sa'kin at bakit mo'ko hinawakan?” galit kong tanong sa kanya.
Wala pang nakakahawak sa'kin except my dad and the nurses in the capital. I am sensitive pagdating sa mga touches ng hindi ko kakilala. Pakiramdam ko, sasabog ang puso ko sa kaba.
Akmang magsasalita pa sana siya ng may biglang lumapit ng isang G-Team sa gawi namin.
“What's happening here?” bungad niya.
YOU ARE READING
The Peculiars: Moving Target
Science FictionHALIYA, the victim of being a human tester. When she was 10, her father started to experiment her because she's no ordinary human at all. She's different from the others, far away from just a normal human. From the very start, when she was born, he...