KINABUKASAN ay maaga akong pumunta sa capital. Malawak ang ngiti ni dad nang pumasok ako sa laboratory.
Nang makahiga na ako ay agad na sinimulan nila ang gagawin. Si dad ang naglagay sa'kin ng suwero habang ang tatlong nurse ay kumukuha sa'kin ng dugo.
Pinikit ko ang aking mga mata habang kinukunan nila ako ng dugo. At maya-maya ay dinalaw ako ng antok.
Sa ilang taon nakalipas ay palagi nalang ako inaantok kapag kinukunan ako ng dugo ni dad. Hindi ko alam kung pagod lang ba ako o ano. Mula noon hanggang ngayon ay ganon ang nangyayari sa'kin.
Nagigising nalang ako nang may suwero sa kamay pagkatapos which is nornal naman na sa'kin. Marahas akong bumuntong-hininga at kinuha ang suwero sa kamay ko. Napapikit pa ako dahil sa kirot.
Tamad kong tiningnan ang paligid. Nasa loob parin ako ng laboratory as usual, tamad akong tumayo sa kama.
“Haliya.”
Awtomatiko akong napalingon sa pintuan ng may tumawag sa pangalan ko. Bumungad sa'kin ang isang babaeng nurse na may hawak na white folder sa kamay niya habang nakangiti sa'kin.
“I'm glad your awake. . your dad is in the governments hospital kung hahanapin mo siya.”
Maliit akong ngumiti sa kanya at tumango. “Salamat po.”
She smiled widely. “You're welcome. Just call me when you need anything, okay?”
I nodded at her and say another thank you. Tumalikod na siya sa'kin at umalis na.
Ilang segundo pa akong nanatili sa loob bago ko napagdesisyunang lumabas na.
Habang naglalakad ako ay may nakakasalubong akong mga cyborg human. Ang ilan sa kanila ay binabati ako, hindi ko lang talaga maiwasang matakot dahil hindi ako sanay na may merong cyborg human ang ngingiti at babati sa'kin.
Like I said, kapag may namatay na tao sa city ay ginagawa nila itong cyborg human. Binubuo nila ito gamit ng shell ng robot pieces. Para talaga silang tunay na tao kahit hindi naman talaga.
Madali mo malalaman kung cyborg human ang isang tao, once you look close enough in their wrist ay may makikita ka na parang printed na pangalang 'cyhuman'.
Nang makalabas sa building ay bumungad kaagad sa'kin ang malamig na hangin kaya napapikit ako.
I smiled when the wind swayed my long black hair.
Heavens. This is heavens.
Saktong pagmulat ko ng mga mata ay ganon nalang ang gulat ko ng may dalawang cyborg human ang nakatingin sa'kin, confused.
Damn, bakit hindi ko man lang naramdaman ang presensya nila?
Umayos ako ng tayo at pekeng ngumiti sa kanilang dalawa. I slightly bow my head at them and leave.
That was so freaking embarassing!
Nang makarating ako sa governments hospital ay agad ako pinapasok ng isang G-Team. Binabati rin ako ng ilang mga nurses nang naglalakad ako patungo sa opisina ni dad.
Nginingitian ko sila pabalik at binabati rin. Nilalapitan pa ako ng ilang nurse at nakikipag-usapan sandali. Nagulat pa si dad ng makita akong pumasok sa opisina niya.
Dahil wala naman akong gagawin ay napagdesisyunan kong tumulong sa hospital. Sinuway pa ako ni dad pero hindi ako nakinig. Sa huli ay wala siyang nagawa at pinabayaan ako sa naging desisyon ko.
YOU ARE READING
The Peculiars: Moving Target
Science FictionHALIYA, the victim of being a human tester. When she was 10, her father started to experiment her because she's no ordinary human at all. She's different from the others, far away from just a normal human. From the very start, when she was born, he...