Chapter 07: Enemy Or Not?

108 80 41
                                    

HINDI ko alam kung ilang araw akong hindi nakatulog ng maayos pagkatapos ang pag-uusap namin ni dad.

Halos hindi mag sink in lahat ang mga pinag-usapan namin nong tatlong araw ang nakalipas sa laboratory. Nang sinabi niya ang bagay na 'yun ay nagulat ako ng husto. Hindi rin ako nakapagsalita at nanatili lang akong tahimik pagbalik namin sa bahay.

Naalala ko pa na tinanong ko siya kung ano dapat ang madi-diskubre ko at kung ano ang sinagot niya sa'kin.

“That you were only used for something for example.

Napasabunot ako sa sariling buhok ng paulit-ulit 'yun nag re-recall sa isipan ko. Para itong sirang plaka.

Nagpapasalamat talaga ako na may meeting ngayon ang lahat ng mga members mula sa capital. Kanina pa silang nag me-meeting sa conference room at dahil hindi ako pwedeng sumama sa loob ay dito muna ako sa rooftop tumambay.

Marahas akong bumuga ng hangin. Kahit alam kong example lang naman ang tinanong sa'kin ni dad pero may part sa'kin na parang totoo ang bagay na 'yon.

Wait a minute. .

Natigilan ako ng may maalala. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at binaba ang dalawang kong kamay sa pagkakasabunot sa buhok ko.

Napatulala ako sa kawalan ng maalala ang isang panaginip na binalaan ako ng isang lalaki. .

You need to get out of there. They're using you, They're controlling you. kailangan mong nang umalis. You're not safe in there. Nanganganib ang buhay mo. . .

I blinked.

Parang konektado ang sinabi niya sa'kin at ang example ni dad.

Hindi ko pa rin malimutan ang seryosong mukha ni dad habang tinatanong niya ako na kung papaano ginagamit lang nila ako. Hindi ko maiwasang kabahan ng husto. Akala ko 'nong una nagbibiro lang siya pero nagkamali ako ng akala.

He was not joking. He's really serious about that question.

I stand up and shouted all inside me. Mabigat ang bawat paghinga ko. I tried to calm myself down by breathing heavily but my chest hurts.

Pumikit ako at humawak sa railings. I let the wind blow my hair at maliit na ngumiti ng naramdaman kong humaplos ang malamig na hangin sa pisngi ko.

Right. That's better.

I am getting better.

Unti-unti nang nawawala ang pagkasakit ng dibdib ko.

That's right Haliya. Just relax and control your emotions. .

Inhale. Exhale.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at napatingin sa mga building. Akmang ililipat ko ang aking atensyon sa isang building nang may anong liwanag ang tumama sa kaliwang mata ko. Napamura ako na wala sa oras at bahagyang napapikit.

Anong klaseng liwanag 'yun?

Damn.

Muntik na akong mabulag!

Minulat ko ang mga mata at hinayaan munang i-adjust ang kaliwang mata ko sa kawalan. Napatingin-tingin ako sa paligid para hanapin kung saan nanggaling ang liwanag na 'yun.

It was a just like a laser. A green laser. Parang laser talaga ang tumama sa kaliwang mata ko. Pero...sino naman ang gagawa 'non? Sa mata ko pa mismo tinama na halos mabulag ako sa ginawa niya.

The Peculiars: Moving TargetWhere stories live. Discover now