Author's Note: Surprise update! Sorry kung pinaghintay ko kayo ng matagal ehe. Naging busy lang ako sa work for the past few weeks.
And since pasukan na namin sa Monday, expect that this story will run slowly. Please, bear with me.
Overall, itong story muna ang pagtutuunan ko ng pansin, please, don't pressure me to update another chapter. Tao rin po ako, okay?
Iyon lang, happy reading!
—Garam
———
“WHERE the heck have you been this time?!”
Pagbukas ng pagbukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa'kin ang salubong na kilay ni Randall. Sinamaan niya ako ng tingin pero imbes na sumagot ay dere-deretso akong pumasok sa loob ng apartment.
“Don't tell me you go to the rooftop of the liberia, again?” inis niyang tanong na talagang sinundan pa ako patungo sa kusina. “How many times do I have to tell you that's—”
“—Dangerous? I already know that. You said it many times..” nakangising sabi ko sa kanya at ininom at isang basong tubig.
“Then, don't go in there again!”
“Randall—”
“Oo, Alam ko! Alam kong hindi ka papayag at wala akong magagawa pa! Peste!” siya naman ang uminom ng tubig at saka niya padabog na nilapag ang baso sa counter.
“Huwag ka ngang mag-emote diyan. Hindi bagay sa'yo.” ngiwi ko sa kanya.
“Hindi ako nag-eemote!”
“What are you doing, then?”
“Pinagsasabihan ka, what else should I do?”
“Psh. In denial—”
“I am not!” giit niya.
“Talaga? Talaga?” nginisihan ko siya ng todo at sinamaan niya ako lalo ng tingin.
“Kapag ikaw nakita ng mga nagbabantay sa liberia, hindi talaga kita tutulungan! Tandaan mo 'yan!”
“See? Nag-eemote ka. Hindi mo nalang aminin—”
“Peste! Bahala ka diyan!” padabog niya akong tinalikuran at padabog ring sinara ang pinto ng apartment.
What the hell happened to him?
Mahina nalang akong napatawa sa inasta niya.
Sa loob ng isang linggo namin dito sa Liberia ay marami na kaagad ang nagbago. Lalo na sa'kin. Araw-araw parin ako mino-monitor ni Randall at pinainom ng gamot. Marami na masyado nakuhang dugo sa'kin in the past few years kaya lagi niya akong pinapainom ng gamot para sa dugo.
Marahas akong bumuga ng hangin at tumingin sa kawalan. Hindi ko maiwasang isipin si dad. Inaalala ko ang kalagayan niya sa loob ng isang linggong hindi ko siya nakikita.
Ano na kaya ang nangyari sa kanya?
Okay lang kaya siya?
Dad, hope your doing fine... Miss na miss na kita.. Sobra..
“Dad, kung nasaan ka man ngayon, sana okay ka lang. I know you too well. Alam kong buhay ka. I missed you so much, ” I whispered to myself. Huminga ako ng malalim at marahas na pinunasan ang luhang dumadaloy pababa sa pisngi ko.
YOU ARE READING
The Peculiars: Moving Target
Fiksi IlmiahHALIYA, the victim of being a human tester. When she was 10, her father started to experiment her because she's no ordinary human at all. She's different from the others, far away from just a normal human. From the very start, when she was born, he...