“I Will get you out of here. Sorry for doing this to you, Haliya. I will protect you no matter what at ilalayo kita dito. We will see each other soon. Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ka ni Dad. Patawarin mo ako.”
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang boses ni dad. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang mabilis na pagtibok nito. Mabigat rin ang bawat paghinga ko.
What was that?
Panaginip ba 'yon?
Wait—
I immediately scanned my surroundings. I. . .am in my room?
Bakit ako nasa kwarto ko?
The last thing I remember is that I'm in the laboratory—
D—Dad. . .
Awtomatiko akong napabangon sa kama at dali-daling tumakbo sa bintana. Hinawi ko ang mga kurtina at halos mabulag ako sa liwanag na nanggaling sa labas.
Where is dad?
Nasaan siya?
Kung hindi ako nagkakamali ay bago ako nawalan ng malay, may tinurok siya sa'kin at may sinabi.
“I will get you out of here. Sorry for doing this to you, Haliya. I will protect you no matter what at ilalayo kita dito. We will see each other soon. Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ka ni Dad. Patawarin mo ako.”
Mariin akong napapikit at marahas na bumuga ng hangin. Agad ko ring minulat ang aking mga mata at dumapo ang atensyon ko sa aking kaliwang pulupulsuhan na sa ngayon ay may merong puting gauze.
Hindi ko na iyon pinansin dahil mas inalala ko pa kung nasaan si dad. Tumingkayad pa ako para makita ang nasa baba ng building dahil nasa third floor ang bahay namin. Kumunot ang noo ko ng maraming G-team ang nasa paligid na parang may binabantayan.
What are they doing here?
Umayos ako ng tayo at dali-daling binuksan ang relos ko. May asul agad na hologram ang lumabas sa harap ko, hindi na ako nagsayang ng oras at tinawagan si dad.
Dad, please pick up the call.
Umabot ng halos sampung rings pero hindi niya sinasagot! Nakaramdam ako ng kaba. This is the first time dad didn't answer my calls. Hindi naman ganito si dad. Palagi niyang sinasagot ang mga tawag ko kahit gaano pa siya ka busy. This is the first.
I tried to call him again and again but it's still no answers from him. Kinakabahan na talaga ako!
Maraming pumapasok sa isip ko at nagsisimula na akong magpanic.
Puntahan ko kaya siya sa capital?
Nasa critical akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita si. . .
“R—Randall?” gulat kong tawag sa kanya.
Totoong si Randall nga ang pumasok sa kwarto ko! Sinira niya ang pinto sa likuran habang may dalang tubig at gamot sa kanyang kaliwang kamay.
Marami akong tanong pero hindi ko magawang magsalita dahil hindi parin ako makapaniwalang nandito siya.
What is he doing here?
Hindi mahilig si dad magdala ng bisita sa bahay. .
Bigla naman ulit pumasok sa isip ko si dad. Tiningnan ko si Randall na ngayon ay nasa harapan ko na pala. Hindi ko man lang siya napansin na lumapit sa'kin.
YOU ARE READING
The Peculiars: Moving Target
Science FictionHALIYA, the victim of being a human tester. When she was 10, her father started to experiment her because she's no ordinary human at all. She's different from the others, far away from just a normal human. From the very start, when she was born, he...