Chapter 18: The New Comer

9 0 0
                                    

WHY did he saved me?

Iyan ang paulit-ulit na tanong ko matapos matagpuan ang aking sarili na parang nasa loob ako ng crystal. Napalibutan ako ng kulay lila na transparent barrier.

Hindi ko pa rin maalis ang aking mga mata sa kadadating lang ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi maipinta ang kanyang mukha habang nakatingin sa isang lalaking G-Team na akmang tatamaan sana ako ng electric string. Pati siya ay mukhang nagulat sa nangyari. Parang hindi niya ito inaasahan.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin sa lalaki. Mabilis siyang tumingin sa gawi ko na parang kanina niya pa akong napapansin na nakatingin sa kanya. Nang magtama ang aming mga mata ay parang may kung anong nginig ang dumaloy sa kalooban ko. His presence is freaking intimidating. Ang tindi ng aura niya and I can't take it.

Ako ang unang nag-iwas ng tingin dahil hindi ko na kaya ang malamig na tingin ng lalaki sa'kin. His cold stare is striking down my soul and he is making me shiver. Ibinaling ko ang aking atensyon kay Randall na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagalaw sa kanyang pwesto. Gusto ko na siyang lapitan pero hindi ko alam kung paano ako lalapit dahil nasa loob pa rin ako ng transparent na barrier.

Pero ganon nalang ang gulat ko nang biglang nagbunot ng baril ang isang lalaki na kakabangon lang. Bago pa niya mahugot ang gatilyo ay may kung anong  pwersa ang nagpatigil sa kanya. Kahit hindi ko ito nakikita pero nararamdaman ko ito. Kitang-kita ko kung paanong nahihirapan ang lalaki na igalaw ang kamay niya.

“You bastard,

Ang sumunod na nangyari ay mas lalong hindi ko inaasahan. Biglang tumalsik ang dalawang lalaki sa kung saan nakahandusay pa rin ang mga kinalaban kong mga kasamahan rin nila sa may dilim na parte. Hindi ko alam kung buhay pa ba sila o ano. Ramdam na ramdam ko talaga ang malakas na pwersa ng bigla silang tumilapon.

Nang ibalik ko ang aking paningin sa lalaki ay doon ko nalaman na siya pala ang may gawa sa nangyari. Hindi man lang nagbago ang kanyang posisyon mula kanina. Ni hindi man lang siya gumalaw.

'Ano kaya ang ginawa niya kung bakit biglang tumilapon ang dalawang lalaki? Siya kaya ang may gawa ng bagay na iyon?'

Bahagya akong nagulat nang biglang nawala ang nakapalibot sa'kin na kulay lilang transparent barrier. Muntik pa akong napahiga sa gulat. Na amaze rin ako dahil nawala ito ng parang isang bula. Ang astig talaga.

Nang dumapo ulit ang mga mata ko kay Randall ay bigla kong naalala ang kanyang kalagayan. Hindi na ako nagsayang ng oras at saka ako agad na tumayo at tumakbo palapit sa kanya.

“Randall. . .” tawag ko sa kanya at saka ako dali-daling lumuhod para hawakan ang pisngi niya. Nakita ko ang mga maliliit na pasa sa kanyang mukha at dumudugo rin ang kanyang labi. “Hey, open your eyes, wake up,” i softly slap his face at mabilis naman siyang napamulat sa kanyang mga mata.

“Haliya,” tawag niya nang makita ako. Maliit naman akong napangiti sa naging reaksyon niya. “Are you alright? Hindi ka ba nasaktan? Wala bang masakit sa'yo?” sunod-sunod niyang tanong.

Napahawak pa talaga siya sa magkabilang balikat ko para tingnan ang kabuoan ko. “I'm doing fine, don't worry about me.” maagap kong sabi sa kanya.

Bahagya pa akong nataranta ng walang pasabi siyang bumangon sa pagkakahiga sa semento. Tinulungan ko siyang makabangon at nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang tingnan ang mga lalaking G-Team na ngayon ay nakahandusay pa rin sa lupa.

“What the fudge?” nagtataka niyang sabi. Agad naman niyang inalis ang kanyang paningin at sunod niyang tiningnan ay ang kadadating lang na lalaki. Nang makita niya ito ay parang hindi man lang siya nagulat.

The Peculiars: Moving TargetWhere stories live. Discover now