Chapter 16: Water Manipulator

19 6 0
                                    

HINDI KO alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko. Bigla nalang kasing tumawa ng malakas si Miguel, pati ang dalawa niyang kasama. Nakaramdam naman ako ng inis.

“Huwag ka ngang patawa, babae. Ang sama-sama ng joke mo,natatawa niya paring aniya.

Do I look like I'm joking?” seryosong sabi ko. Wala akong ka emo-emosyon nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang paglunok ng isa niyang kasama. Palihim naman akong napangisi.

“Stay her out of this nonsense. Ako nalang ang kunin niyo at pabayaan niyo nalang siya!” nagulat ako sa sinabi ni Randall. Mabilis ko siyang nilingon. “Ako nalang ang kunin niyo pabalik at 'wag lang siya—”hindi natapos ang sasabihin ni Randall nang bigla siyang inunahan ni Miguel.

“You shut your mouth, doc. Naririndi na ako sa boses mo!” natigil ko na naman ang hininga ng tutukan kami ng mga baril ng dalawa niyang kasama. Without even hesitation, tinutukan ko rin sila ng baril.

“Lower your gun, women. Now,” utos niya. Nang hindi ko siya sinunod ay nakita ko na umigting ang panga niya. Hindi ko alam kung nainis ba siya o galit.

Magsasalita na sana ako nang bigla akong napatigil sa paggalaw. Nakarinig ako ng click sound sa kanang binti ko. Nang tingnan ko ito ay doon ko nakita na merong naka attached na electric string sa binti ko. 'Curse this!'

“That's already a warning. Ibababa mo ba 'yang baril mo? Or I'll command Sara to electrify you till you passed out? You choose,” agaran akong napatingin kay Miguel dahil sa sinabi niya.

Nakita kong umiilaw pa rin ang kanang kamay niya. This time, ibinababa niya na ito at parang kinokontrol niya ito. Nang tingnan ko ulit ang nakadikit na electric string sa binti ko, doon ko palang nalaman na umiilaw rin ito.

Mahigpit akong napahawak sa baril. Napatingin ako kay Randall na walang imik at parang ang lalim ng iniisip. Bigla akong napapikit ng mariin nang maramdamang kumirot ang binti ko.

“I'll give three seconds to—” napatigil siya sa pagsasalita nang walang pasabi kong hinagis ang hawak na baril sa semento. Sa biglaang ginawa ko ay bahagya pang napatalon sa gulat ang dalawang kasama ni Miguel.

“Nice one. Ang dali mo lang palang kausap, e,” nakangiting aniya. Pero sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam na kakaibang feeling.

'Something's not right here. I can feel it!'

Sa isang iglap, bigla akong nakaramdam na malakas na electric shock sa kanang binti. My knees tremble, at huli ko nang nalaman na napaluhod na pala ako sa malamig na semento dahil sa naramdamang sakit. Pati buo kong katawan ay parang namanhid. Hindi ko na maramdaman ang binti ko!

“Haliya!”

Buong akala ko ay lalapitan ako ni Randall para tingnan ang kalagayan ko pero bigla akong nagtaka kung bakit narinig ko siyang dumadaing sa sakit. Kahit wala akong lakas, pinilit ko siyang tiningnan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sitwasyon niya.

Randall was covered in blue color and he was not moving at all. Kitang-kita ko kung paano siya namimilipit sa sakit. Agad kong nilingon si Miguel at doon ko nakita na siya pala ang may kagagawan kay Randall. His right hand is glowing, and his eyes are turning blue. Dahil sa nangyayari, doon na ako kinain ng mga katanungan sa isip ko.

Malaking palaisipan pa rin sa'kin kung bakit nagagawa ito ni Miguel. Kung bakit nagagawa niya ang lahat nang ito.

Bakit may kakayahan siyang itigil ang pinutok kong baril papunta sa kanilang direksyon? Bakit may kakayahan siyang ipatigil sa paggalaw si Randall? Naguguluhan ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari.

The Peculiars: Moving TargetWhere stories live. Discover now