CRIME TO ADVENTURE
CHAPTER 20:KYON KIM TAN~KYON POV~
Umuwi na lang kaming luhaan sinabi na rin namin sa mga kasamahan namin ang nangyari."Nasaan 'yung bangkay ni Talya?"nag katinginan kaming lahat.
"W-wala na"Umiiyak na ani ni Blythe.
"Anong wala na!?" Galit na ani ni Sandy.
Nagkatinginan kaming lahat at si Danica ay umiyak ng umiyak.
"Ano ba talaga nangyari sa katawan ni Talya?" Khael's asked.
"Tinapon na namin sa bangin!" Diretsiyong ani ni Elaine.
"Ano!!" Ani nilang lahat.
"Bakit naman ganon 'yung ginawa niyo?"ani ni Thalie,
hindi na kami nakapag salita pa parang natameme nalang kaming lahat ang dami nilang tanong.
Hirap na nga kaming kalimutan 'yung nangyari paulit ulit parin silang nag tatanong.
"Sino nag tapon kay Talya sa bangin?"
Napatingin kami nila Elaine, Danica,Blythe at Theron, kay Austin na nakayuko lang at walang ka emik emik.
"Si Austin!!"
Sigaw nila kaya mas lalo pang umiyak si Danica nilapitan na siya ni Edzel, pinakalma siya sobrang close din kasi sila kaya ganon nalang ang pag dudusa ni Danica sa pagkamatay ni Talya.
"Pano mo nagawa 'yon?!"si Sandy.
Alam kong may rason si Austin, kung bakit ganon 'yung ginawa niya kay Talya, sigurado akong maiintindihan nila 'yun at mauunawaan.
"Ano Austin, sumagot ka!"
Pag pupumilit nila kay Austin, ngunit hindi pa rin ito umimik at hindi niya kayang humarap sa amin.
Nilapitan kona siya at binulungan.
"Austin, mas mabuting sabihin mona sa kanila"bulong ko.
"Pano kung gusto ko na limutin 'yun nangyari kanina!!"
Nagulat kami sa sigaw niya.
"Huh"
Hindi kami makapaniwala sa inasal niya.
"Kaya hindi na ako umiimik kase ayoko na balikan kung pano nawala sa tabi ko 'yung taong mahal ko na ngayon ay wala na" pumasok siya sa loob ng tinutuluyan namin.
Hindi na kami na kapag salita pa at nagkatinginan nalang.
"Pinatay si Talya ng mga sindikato" ani ko.
"Sindikato?? Pano nila nalaman na nandito tayo?"
Napatigil ako sa sinabi ni Xania.
"Nakakapag taka rin pano nila nalaman 'yung Secret road natin"
Natulala ko sa sinabi ni Blythe, imposible hindi! hindi!.
"Ah baka sinundan nila sila ate Alyssa at Hayes"
Kabadong sabi ko.
"Hindi nila kami sinundan!" Nagulat kami ng biglang dumating sila ate Alyssa at Hayes.
Lumapit sila sa amin at halata sa mukha nito na inis at parang may galit.
"Ate Alyssa at kuya Hayes" tuwang tuwa na wika ni Theron.
Niyakap ni Ate Alyssa si Theron ng naka-ngiti.
"Wait lang Theron" inalis nito ang pagkayakap niya kay Theron.
BINABASA MO ANG
CRIME TO ADVENTURE
مغامرةOpulent gang, magkakaibigan na tunay at masasaya ngunit mapaglaro ang tadhana napagbintangan sila sa kasalanan na hindi naman nila ginawa sa murang edad naranasan nila ang lupit ng gobyerno at bagsik nito. Start:March 25 2023 End:August 1 2023