Sa pagpikit ng mga mata

11 2 0
                                    

Sabi nga nila walang perpekto sa mundo Walang nagtatagal at lahat ay nagbabago
Lagi nalang ako naiinis sa tadhana
Ni isang beses hindi ako pinagbigyan sa mga bagay na hindi ka iiwan at mawawala

Sa bawat pagpikit ng mata
Nakikita ko ang kadiliman na alam ko namang mawawala pagdating ng umaga
Sa pagpikit ng mata nagaantay ang mga pantasya at bigla nalang nawawala pagdilat ng mata

Sa iyong paglisan ay para na naman akong ginising
Sa-isang panaginip na ayaw konang magising Pinipilit kong ipikit ang mga mata
Upang sa huling pagkakataon ay maranasan pa ang kasiyahan na minsan nakita ng aking mga mata
Ang kasiyahan na nagdulot
Upang makalimutan ang bawat sakit at poot

Ipikit ko man ng ipikit ang mata ko
Wala na talaga ito na naman tayo iniwan na naman ako
Sana sa susunod na pagdilat ng mata
Sa pagdating ng umaga makikita kita muli at
makakakasama
Upang sa susunod na pagpikit ng mata hindi ka nalang alaala

Tumitila, TumutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon