Demonyo

2 0 0
                                    

Tila demonyo, may pusong apoy,
Naghatid sa'yo sa langit ng pag-ibig ko.
Ang iyong ngiti, tulad ng bituin sa gabi,
Pinawi ang dilim, sa puso kong may pait.

Sa simula'y akala ko'y ikaw na,
Kasama sa tuwa, sa lungkot at drama.
Ngunit sa dulo'y ikaw rin pala,
Ang demonyong maghahatid sa'yo sa langit na wala.

Nagmahal ako, ngunit sinaktan mo,
Nagbigay ng lahat, ngunit iniwan mo.
Ang langit mo'y walang buwan at araw,
Walang bituin, walang ngiti, walang iyo.

Tila demonyo, may pusong bato,
Hindi kita maabot, sa langit mo'y may pinto.
Ang iyong pagmamahal, tulad ng isang mito,
Hindi totoo, hindi abot-kamay, at kulang sa tibok.

Ang langit mo'y demonyo rin pala,
Naghatid sa'yo sa mundong wala.
Ang langit mo'y hindi ang langit ko,
Demonyong mahal kita, pero kailangan ko nang iwanan ito.

Tumitila, TumutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon