Sa pagbagsak ng bawa't patak, ako'y umaasa
Sa ulan ng kaligayahan, sana'y magkita
Yakap mo'y parang patak ng ulan, malamig at banayad
Napapawi ang lungkot, sa puso'y umaawitAng lambing ng iyong mga salita'y gaya ng simoy ng hangin
Sa mga patak ng ulan, nayakap kita
Tampok ang ligaya, ang bawat puso'y sumigla
Sa bawat yakap, naglalaho ang bawa't alinlangan
Sa ulan ng tadhana, tayo'y nagkakasama
Habang ang puso ay umaawit ng wagas na pag-ibig, sa bawa't patak na puno ng siglaAng bawat sapatos na nababasa ng ulan
Ay tila tinig ng pag-ibig na walang kamatayan
Sinasabayan ng tibok ng puso na puno ng tamis
Yakap ng ulan, liwanag sa aking dilimYakap ng ulan, kahit baha'y hindi problema
Dahil kasama kita, kasiyahan di nagdudulot ng tama
Ang pag-ibig natin, tindi ng damdamin
At sa yakap ng ulan, hindi natin poproblemahin
Sapagkat sa bawa't yakap ng ulan tayo magkasama parin.
BINABASA MO ANG
Tumitila, Tumutula
PoesíaSalita'y tumitila, puso'y tumutula, Sa pahina ng kuwento, damhin ang lungkot at ligaya