Kapag Tumigil na ang Lahat

5 1 0
                                    


Sa pagpatak ng dilim
Nananalangin ng mataimtim
Nag-aantay na makatulog sa bawa't gabi
Habang unti-unti ring natutuyo ang mga labi
Hindi mapakali at may gawaing gustong gawin
Hindi malaman kung saan sisimulan at bibigyan ng katapusan

May mga bagay na hindi natin mapipigilan
Kapag ang tao ay limusan
Kapag ang oras ay dumaraan
o kaya naman ang pagikot ng sanlibutan
Mga bagay na hindi natin makontrol at mapigilan

Sa bawa't gabi
Binibigkas ng aking labi
Na sana isang araw ang oras ay mapipigilan
Ang pagbagsak ng luha ay maiiwasan
Ang pagdaan ng panahon ay hihinto ng tuluyan

Gaano man kahaba ang aking mga sinasabi at ginagawa
Sa huli, wala pa rin itong magagawa
Ang hindi tumitigil na kamay ng orasan
Mga mangyayaring hindi na mapipigilan

Sa pagdating ng araw na kapag tumigil na ang lahat
Mga kamay ay aking ilalapat
Sa mga mukhang luha ang pumapatak
Sa mga taong hindi umiiyak ngunit ang puso naman ang unti-unting nawawasak
Hindi man makita ngunit ako rin ay nasasaktan
Sa kadahilanang kami maiiwan
Ngunit alam naman naming para rin ito sa inyong kaginhawaan at kaligayahan
Kaya hindi na namin pipigilan
Sapagkat sa oras at panahon ay wala tayong laban

Kaya kapag tumigil na ang lahat
Wala nang luha at sakit na mararamdaman
Kapag tumigil na ang lahat
Walang nang mukha ang magtatanong bakit ganito lagi nalang nananalo ang kalungkutan
Isa lamang ang sagot
Sa ngayon maaring nakakaramdam tayo ng poot at lungkot
Ngunit pagdating ng panahon ang mga pisnging napatakan ng luha
Ay mapapalitan ng saya at ngiti mula sa bibig hanggang sa mga mata
Kaya kapag tumigil na ang lahat
Saya na lamang ang babalot sa ating lahat.

Tumitila, TumutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon