Isang bituin sa malayong langit

3 0 0
                                    

Isang bituin sa malayong langit,
Narito ako't handa nang magsisiwalat,
Sa pagkakataong ito kailangan nang magpaalam,
Masakit man, ako'y titigil na

Sa ilalim ng gintong ilaw ng mga tala,
Nagtagpo ang ating mga landas sa sandali.
Ngunit tulad din ng mga bituin sa kalawakan,
Ang pagtingin ay hindi magtatagal

Sa tuwing tayo'y magkatagpo at magkasama,
Ang mundo'y puno ng liwanag at saya.
Ngunit sa'king pag-alis, ang langit ay nalulunod,
Iiwan na ang puso kong puno ng sakit at pagkadurog

Ang mga alaala natin ay aking dadalhin,
Kahit malayo ka na, ako'y hindi lilimot.
Isang bituin sa malayong langit,
Nagbibigay ng liwanag ngunit tinatakpan ang pighati

Hindi ko alam kung kailan tayo magkikita muli,
Ngunit ang aking dasal, sana'y mahanap mo ang ligaya.
Sa bawat tibok ng puso ko, maririnig mo ang pangakong ito,
Isang bituin sa malayong langit, paalam na't salamat sa iyo.

Tumitila, TumutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon