Ang pag-ibig ng isang umiibig

2 0 0
                                    


Sa bawat tibok ng puso, ikaw ang dahilan, ikaw ang laman
Lumalim ang kulay ng mundo, tuwing ika'y nahahagkan
Napapangiti kapag ika'y nakikita
Parang wala nang alinlangan, bawat kaba'y nawawala

Parang tunay ngang magic, pag-ibig na nadarama
Kahit sa sandali lang, pakiramdam ay walang hangganan
Sana'y mapansin mo ang mga tula na hindi masalita
Ang pagtatagpo natin ay pawang likha ng tadhana

Walang hanggang ligaya ang nadarama sa puso
Sa tuwing kapiling ka,tila ba ako'y lumulutang
Ang pag-ibig kong ito'y aasa lang sa'yo
Mag-aantay ang sa iyong sagot, mag-aantay ako para sa'yo
Mag-aantay ako sa bawa't segundo,minuto at oras ng buhay ko

Sana'y pakinggan mo ang tibok nitong dibdib
Nakahanda na ang aking panyo sa bawa't ngit at sa bawa't luha na lilitaw mula sa 'yong mukha
Ikaw ang nagbibigay liwanag sa aking mundo
Kaya hayaan mo naman ako na ang kumumpleto sa nawawalang kulay sa binubuo mong obra maestra

At kung darating ang araw ng pag-ibig na wagas
Hiling ko'y ikaw ang aking kasama, sa ligaya't kalungkutan
Iibigin kita hanggang sa dulo ng walang katapusan
Ang pag-ibig na to, umaasa na tayo'y maging iisa.
Kahit na walang kasiguraduhan,
Patuloy akong umaasa, kahit alam kong mababa ang tyansa.

Tumitila, TumutulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon