"Kuya diyan nalang po sa tabi"
"Kuya hanggang sa babaan nalang po"
Mga katagang sisabi ng labi
Mga salitang lumalabas sa tuwing gusto mo nang tumigil at humintoHanggang dito nalang ako
Gusto ko nang huminto
Ngunit kailangang magpatuloy ang nasimulan
Dahil para saan pa ang pinaghirapan kung hindi rin naman ito bibigyan ng katapusan?
Para saan pa ang umpisa
Kung sa huli hihinto ka rin pala?Sa bawa't sumasakay sa Jeep sa tuwing papasok ako
Lagi kong hinihintay ang pagsabi ng para po
Lagi kong hinihintay ang pagalis ng bawa't isa
Para habang tuloy-tuloy ang pagandar ng jeep ako'y makapagiisa
Yung tipong walang maingay at walang magulo
Habang nandiyan ka sa tabi at unti-unting bumabagsak ang 'yong ulo
Hanggang sa dumating ang isang pasahero
Hinihintay ko ang kanyang pagsasabi ng Para po
Ngunit ng bumababa ako
Sinabayan nya ako
Pareho pala kami ng pinapasukang paaralan
Hindi ko sya kilala at hindi ko rin sya namumukhaanDumating ang isang araw
May dumating sa aming silid, bago ang kanyang ugali at mga galaw
Hindi ko alam kung anong ugali at kanyang nararamdaman
Hindi ko alam na patuloy na palang tumatakbo ang oras ng hindi ko namamalayan
Hanggang sa isang araw nakasabay ko na naman ang taong yun sa sasakyan
Naaala ko sya, sya yung taong nagtuturo sa amin sa tuwing oras ng Araling panlipunanSa pagdaan ng mga linggo, hindi ko napansin
Bakit parang nasisiyahan na ako pagdating ng oras na sya na ang magtuturo ng aralin
Ngunit ang pinagtataka ko
Bakit hindi ko na sya nakakasabay sa pagpasok ko?
Hindi ko na sya nakikita
Hindi ko na naririnig ang boses na tila ba nagtutula
Iniisip ko na baka nakalimutan nya lang magpara
Nakalimutan nyang huminto sa tamang babaan
Nakalimutan nyang nagaantay kami sa boses nyang malumanay at nagbibigay kasiyahanDumating ang araw napagtanto ko
Hindi na palang lugar na ito Ang kanyang binababaan
Hindi na pala ito ang lugar na kanyang patutunguhan
At hindi na sya makakasabay sa tuwing papasok ako sa paaralan
Hindi na maririnig ang pagsasabi ng salitang "Para po!"
Masasanay na ako ang magsasabi nyan at alam ko na kung saan ako hihinto.
BINABASA MO ANG
Tumitila, Tumutula
PoesiaSalita'y tumitila, puso'y tumutula, Sa pahina ng kuwento, damhin ang lungkot at ligaya