ERION
Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang mga pine tree, sobrang dami nito kaya mahangin dito tapos ang lamig sobra. Nakakapagpatayo.
Nakakapagpatayo ng balahibo. Kilabot.
"Sa butterflies muna tayo!" Hinila niya kaming dalawa papunta sa sanctuary ng mga paru-paro.
Ang dami ng mga ito, dumadapo rin sila sa balikat namin. Mabuti na lang ay hindi ako takot sa ganito kundi sigaw na ako nang sigaw dito.
"Nakakakiliti", humahagikgik si Dana baby dahil sa dami ng paru-paro na gumagapang sa kaniya.
Ang ganda niyang pagmasdan kaya agad ko siyang kinuhaan ng litrato. Malawak ang ngiti niya na nagpasingkit sa kaniyang mata habang maraming paru-paro ang nakapalibot sa kaniya.
Tumatakbo-takbo siya habang nakikipaghabulan sa mga paru-paro hanggang sa nagsawa na siya at nag-aya na siya sa Superman Ride.
"Kuya Jun, sama ka rin po sa zipline", masayang pag-aya ni Dana baby.
"Kahit gustuhin ko señorita ay hindi pupwede, baka atakihin ako sa puso dahil doon", kinakabahang sagot niya habang nakahawak sa kaniyang dibdib.
"Ay 'wag na nga po talaga, panoorin mo na lang po kami tas kuhaan ng video", excited na inabot ni Dana baby ang cellphone niya at agad na tumakbo sa mga nag-a-assist sa zipline.
"Thank you, Kuya Jun!" Malakas na sigaw ni Dana baby habang sinusuotan na siya ng harness.
Sumunod naman na ako sa kaniya para sabay kami sa pag-slide pababa. Gusto ko sana siyang kuhaan ng picture at video habang pababa kaso baka malaglag cellphone ko, wala akong pambili ng bago.
Siniguro ng mga taga-assist na maayos na ang harness namin bago kami itinulak pababa. Masayang sumisigaw si Dana baby habang pababa pero nung sobrang baba na ay iba na ang sigaw niya.
"Putangina!" Malakas niyang sigaw sa sobrang lula niya dahil ang bilis na rin ng pag-slide.
Hindi ko naman napigilang tumawa at agad din akong nasamid dahil sa hangin.
"Lord, 'wag mo muna akong kunin!" Mangiyak-ngiyak niyang sigaw habang mahigpit ang kapit sa harness.
Ilang minuto ay natapos na rin ang zipline at nanginginig siyang naglakad papunta sa akin.
"Hindi mo man lang ako tinulungan!" Galit niyang sigaw sa akin.
"Tinulungan saan?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Sumisigaw ako sa bilis ng andar, hindi mo man lang pinabagal", naiinis niyang sagot sa akin.
"Gusto mo bang maputol braso ko?" Natatawa kong tanong.
"Wala, bwisit ka", iritado niyang sabi bago ako iniwan.
Sinundan ko siya habang pabalik kami kay Kuya Jun.
"Nakuhaan mo po ng video, Kuya Jun?" Masaya niyang tanong.
"Kuhang-kuha, señorita. Rinig na rinig din po ang sigaw mo", natatawang sabi ni Kuya Jun kaya agad siyang napasimangot.
"Akin na nga, i-delete ko", inis niyang kinuha ang cellphone niya pero pinigilan ko siya.
"Uy 'wag, memories yan", inagaw niya ang cellphone at bago niya mapindot at pinigilan ko siya ulit. "Isa."
"Edi 'wag, gustong-gusto mo talagang ginaganito ako", galit niya akong tinignan kaya natawa ako sa kaniya.
"Kanina ka pa ganiyan, 'kala mo inaapi talaga kita. May dalaw ka ba?" Pang-aasar ko sa kaniya at agad niya akong hinampas.
YOU ARE READING
When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD
RomanceTwo broken souls met in the middle of darkness. They felt each other and they didn't lose the chance to grip on one another. Erion Escalona endured all the pain that life gave him during his growth. He lived all alone so that other people don't mat...