“Maurine, Mahal kita.” nagsusumamong saad ng binatang si Tristan. “Ngunit hindi tayo pwede, Tristan.” tugon ng dalaga at umalis sa harapan ni Tristan.
Labis ang paghihinayang ng binatang si Tristan. Sinabi na niya ang kanyang nararamdaman sa dalaga ngunit hindi nya ito aakalain na di ito tatanggapin nang dalaga. Simula pa noon ay may gusto na ito sa dalaga. Lagi nya itong sinusubay-bayan sa pag-uwi man o papuntang paaralan. Nagdaan man ang ilang buwan kahit laging iniiwasan ni Maurine si Tristan ay hindi pa rin ito sumusuko, lalo’t alam nyang may pag-asa pa.
“Tristan! Kanina ka pa sunod ng sunod! Sinabing tigilan mo na ako dahil naiirita na ako sayo!” singhal ng dalaga sa kanya ngunit hindi nakinig ang binata.“Kahit ipagtabuyan mo man ako, hindi ako susuko at hindi ako aalis na lang ng basta-basta.” sagot nito habang nakatitig sa mga mata ng dalaga.
Umusbong naman sa galit ang dalaga. “Kahit anong gawin mo Tristan hindi mo ako makukuha. Kahit ipagsiksikan mo man yung sarili mo, hindi pa rin kita matatanggap.” galit na galit qna sigaw nito sa binata.
Sobrang nasaktan ang binata lalo’t ngayon lang niya ito sinigawan ng husto. Labing limang taon ang nakalipas simula noong magkalapit naging magkaibigan ang dalawa. Nang dahil lang sa pagpahayag ng damdamin nito ay nagbago ang lahat. Nag bago ang pakikitungo ni Maurine sa kay Tristan.
Iniinda ang sakit na dulot ng masasamang salita na nanggaling sa dalaga. “Kung iyan ang kagustuhan mo, aking mahal. Hindi na kita aabalahin pa kasi iyon ang kahilingan mo. Sana masaya ka sa mga araw na hindi kita kinukulit at iniinis. Mahal na mahal kita, Maurine.” saad ng binata sa dalaga bago ito tumalikod at umalis.
Lumungkot naman ang mukha ng dalaga dahil sa pag alis ng binata.“Kung alam mo lang sana..., kaya ako lumalayo sayo dahil ayaw kitang mapahamak.” naiiyaak na sambit ng dalaga sa kanyang sarili. “Pangako aayusin ko ito, mahal ko.” dagdag pa niya.____
Ilang araw na rin ang lumipas simula no’ng banggitin lahat ng binata ang mga katagang iyon sa dalaga.
Labis naman na nalulungkot ang dalaga dahil sa hindi na nya ito nakikita ang binata. Halos libutin na nya ang pinupuntahan nito ngunit walang bakas ng anino ng binata ang nandoon. Pinuntahan din nito ang bahay kung saan nakatira ang binata ngunit wala na rin ito. Narinig nito ang pinag-uusapan ng dalawang ale kung saan malapit lang ito sa kanyang pwesto.
“Ang bata pa ni Tristan para mawala sa mundo. Sobrang bait ng batang iyon.”malungkot na ani ng isang ale. “Napakamatulungin din iyon Sitas.” agad na sagot din ng ale. Kinabahan ang dalaga dahil sa narinig nito sa dalawang ale. Lumapait ito sa dalawa, “Maaari po ba akong mag tanong?” agad na tanong nito.
“Ano iyon, ija?” sagot ng isang ale sa dalaga. “Nais ko lang po malaman kung nasaan o kilala nyo po ba si Tristan?” malumanay na tanong nito sa dalawang ale.
“Kilala namin. Hindi mo pa ba alam na wala na si Tristan?” sagot ng isang ale na nagngangalang Sitas. Gulat ang lumukob sa kanya at napatitig ito sa kawalan. “Sige ho at ako'y aalis na po. Salamat po sa inyo.” saad ng dalaga sa dalawang ale bago tumalikod sa dalawa.
Napaiyak naman ito ng husto dahil sa nalaman na wala na ang binata. “Bakit ang daya mo, mahal ko? Kung saan naayos ko na saka ka pa nawala? Bakit?! Hindi mo man lang hinintay na banggitin ko yung salitang mahal din kita?” napaluhod ang dalaga habang humahagolgol. Luha niya’y ‘di sapat para ipakita kung ano ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
Labis ang kalungkutan ang nadarama ng dalaga ngunit huli na para sabihin ang mga katagang iyon. Huli na para sila ay magsasama at huli na para siya’y maging masaya sa piling nang kanyang minamahal.
~End~
❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎
YOU ARE READING
The Untold Story Of Love (One Shot Story Compilation)
Short StoryEvery Characters have different forms of life. Struggle's, challenges, Acceptance and So on that life will have to go on Journey. Every part of this oneshot stories content may feel happy, sad, envy, anger and jealousy. DISCLAIMER This story is work...