"ANG PABIDA-BIDANG SI MONICA"

6 5 0
                                    

“Ang pabida-bidang si Monica”

“Mga classmate's bili na kayo! Maganda na masarap pa hindi tulad sa isa diyan na pangit na nga panis pa yung paninda! Hahaha,” natatawang saad ni Monica sa mga classmates ko habang pinaparinggan ang paninda ko.

Napailing na lang ako dahil sa mga binibitawang kataga nito na hindi naman totoo.

“Wag kami Monica, mas panis pa nga yung paninda mo kesa naman kay Christel!”

“At sinong sinasabi mo na pangit na panis yung paninda?”

“Mas maganda pa nga si Christel kesa sayo Monica, mas dito kami bibili kay Christel kesa sayo na naamoy na nga namin na napapanis na yung paninda mo!”

“Ang sabihin mo Monica sadyang pabida-bida ka lang!”

Natawa na lamang ako dahil sa pinagtanggol ako nila kay Monica. Galit naman ang namuo sa kanyang mukha at sobrang sakit nito makatingin sa akin. At dahil sa inis ay nagwalk out ito at ako naman ay tumawa at napangiti na lamang dahil lahat sila ay dito bumili sa akin except kay Monica na laging kumokontra sa mga paninda ko dahil walang makakapantay daw sa sarap.

“Bukas naman Christel, sana panibago namang luto yung ititinda mo sa amin!”

“Oo nga Christel, dapat may new luto ka naman!”

Mga samo’t saring wika nila sa akin kaya tumango na lamang ako at ngumiti. At ngayon ay ubos na ang aking paninda.

At ang pabida-bidang si Monica ay nagwalk out at hindi na bumalik sa aming room.

~The end~

❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

The Untold Story Of Love (One Shot Story Compilation)Where stories live. Discover now