"SHE LEFT"

6 5 0
                                    

“She Left”

“Akala ko ba walang iwanan, Imee?” puno ng katanungan itong isip ko at paulit-ulit ko syang tinatanong ngunit bigo ako na makuha ang kanyang sagot. “Zach, kailangan ko na talagang umalis. Doon na ako mag aaral sa Manila.” tanging sagot nya lamang at tumalikod na at ako’y naiwan sa upuan na nagluluha.

Ilang taon ko rin syang hinintay at nabalitaan kong pauwi na ito dahil tumawag ang kanyang ina sa akin nong nakaraang linggo. Labis ang tuwa’t kasiyahan ko dahil sa balita na iyon.

“Zach!” napatingin ako sa taong tinawag ang pangalan ko. Laking gulat ko ng makita ang taong hinintay ko ng ilang taon. Ngumite ako sa kanya ng sobrang lapad at agad syang niyakap. “Imee, namiss kita ng husto.” saad ko at kumalas na ng yakap sa kanya.

“Na miss kita Zach!” masayang sambit nito ngunit kita sa mga mata nito ang lungkot.

Masaya kaming nagkwekwentuhan hanggang sa biglaang pagtawag ng mama ni Imee. Nagpaalam muna ako saglit bago sinagot ang tawag.

“Zach, wala na si Imee! Patay na sya.” umiiyak na saad ni tita sa akin upang ako’y manlumo sa narinig na balita galing sa kanya.

Ito ba ang pahiwatig mo aking kaibigan? Ang magpaalam na?

❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

The Untold Story Of Love (One Shot Story Compilation)Where stories live. Discover now