“He’s Jealous”
“Ian, ano ba yung nangyayari sayo?” tanong ko at sinusundan ito papasok ng bahay. “Wala ka na doon, Hesha.” sagot nito sa akin at agad na sinara ang pinto
Walang hiya na lalaki to! Sinarhan pa talaga ako ng pinto. “Ian, ano ba problema mo?” agad ko na tanong ng makapasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong prente itong nakaupo habang nag cecellphone.
“Hoy, Ian!” malakas na sigaw ko sa kanya at tumabi ng upo. “What?!” pagalit na tanong nito.
“Ano ba yung problema mo?” tanong ko at tiningnan sya. “Why do you care? Why did you act like there's nothing? Are you happy with that man, Hesha?” tiim bagang tanong nito kaya napakunot ang noo ko dahil sa mga katanungan nito.
“Ano ba yung sinasabi mo dyan, Ian?” kunot noong tanong ko sa kanya. “Magsama kayo ng lalaking nagpapasaya sayo! Palibhasa ang manhid mo sa nararamdaman ko! Pagdating sa kanya ang saya mo habang sa akin animo’y pilit pa yung pagngiti mo!” galit nitong sagot sa akin
’Di ko sya naiintidihan ha. Ano ba sinasabi nito. Ang gulo mo, Ian. “Teka nga, Ian. Galit ka ba?” tanong ko sa kanya
“Sa tingin mo sinong hindi magagalit sa ginagawa mo? Ako na nandito pero para sayo parang hangin lang at akala mo walang pinagsamahan! Doon ka na sa bago mo! Doon ka sa taong nagpapasaya sayo!” galit na saad nito at tumayo na at umalis kaya sinundan ko ito at agad na hinabol. Ang bilis nya kasi maglakad, huhuness.
“Ian, nagseselos ka ba kay, Dion?” agad na tanong ko sa kanya kaya tumigil ito kakalakad at tumingin sa akin. “Manhid ka ba, Hesha? Hindi mo ba nakikita na nasasaktan ako pag nakikita kitang masaya sa iba? Sa tingin mo hindi ako nagseselos sa nararamdaman ko? Sa tingin mo hindi ako nagagalit pag nakita kita na kasama ang lalaking yun? Sa tingin mo ano ang mararamdaman ko pag ikaw ang nasa position ko? Ano?!” galit na sigaw nito sa akin.
“Bakit ka magseselos kay Dion, Ian?” tanong ko habang naguguluhan. “ Ang manhid mo kasi!” tanging sagot nito sa akin.
Bakit sya magseselos kay Dion? Nagtatampo ata si Ian eh.
“Ikaw Ian, nagtatampo ka noh?” tanong ko at sinusundot ang tagiliran nito ngunit hindi ito sumagot at diritso lamang ang lakad nito papuntang garden ng bahay namin. Naririnig ko pa yung sinasabi nya ngunit hindi ko masyado maintindihan kung ano iyon.
Todo pangungulit lamang ako sa kanya at sya naman ay inis na inis dahil sa akin.
“Stop it, Hesha!” galit na saad nito kaya napaiyak ako. “Kaibigan ko lang naman si Dion eh.” naiiyak kung saad at yumuko.
“Tsk! Kaibigan? Sa tingin mo kaibigan lang? The way he act and care for you, do you think he doesn't like you? Fvck this life!” galit na saad nito sa akin
“Bakit ka ba ganyan, Ian? Bakit ka ganyan sa akin? May mali ba akong ginawa sayo para ganyanin mo ko? Bakit ka naman magseselos sa kanya? Kaibigan ko lang naman sya.” umiiyak kong tanong sa kanya.
“Oo nga noh? Bakit naman ako magseselos ng walang dahilan! Wala naman pala akong karapatan at pigilan ang kasiyahan mo. Dahil kaibigan lang din naman ako pero mas mahalaga pa sya sayo kesa sa akin! Mas masaya ka pa sa kanya kesa sa akin! Sino ang hindi magseselos sa Dion na yun?” saad nito kaya humikbi ako at napaiyak pa dahil sa sinabi nito.
“Sorry na, Ian.” umiiyak kong saad sa kanya. “Ayos lang yun. Deserve ko naman to at isa pa wala akong karapatan na hadlangan yung kasiyahan mo diba?” tanong nito sa akin
“Sabihin mo naman sa susunod, Ian kung nagseselos ka sa kanila. Lalayuan ko naman eh.” humihikbing sagot ko sa kanya.
“Wag kana umiyak pangit kana oh.” tukso nito sa akin kaya tumigil na ako sa kakaiyak at napangiti. “Ang sama mo talaga sa akin, Ian!” nakangusong sagot ko
“Hahahaha ang pangit na ni Hesha!” saad nito at tumayo at tumakbo kaya hinabol ko sya dahil sa patuloy nitong panunukso sa akin.
Tawa at sigaw ang maririnig dito sa bakuran namin dahil sa patuloy na habulan namin. I miss this. Yung pakikipaglaro noon nong bata pa kami dito sa bakuran namin at ngayon h’eto kami at ginagawa pa rin ang nakasanayan namin noon.
~The End~
❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎
YOU ARE READING
The Untold Story Of Love (One Shot Story Compilation)
Storie breviEvery Characters have different forms of life. Struggle's, challenges, Acceptance and So on that life will have to go on Journey. Every part of this oneshot stories content may feel happy, sad, envy, anger and jealousy. DISCLAIMER This story is work...