“Unpredictable Love”
Ako’y tahimik na nakaupo sa ilalim ng punong kahoy. Pinagmamasdan ang mga ibong lumilipad sa himpapawid, mga paro-parong nagsiliparan sa mga bulaklak at halaman. Napangiti sa mga nakikita, ‘Ganito pala ka ganda ang mundo.’
Habang ako’y naaliw sa pagtanaw, nakarinig ako ng ingay sa ’di kalayuan. Sinundan ang tinig na iyon at ang aking mga paa ay dinadala rin ito.
Nakita ko ang isang babaeng umiiyak, sumisisigaw habang ginugulo ang buhok. Lumapit ako sa kanya at agad na ibinigay ang panyo ko.
“Kunin mo na at nangangalay na ang aking mga kamay.” tila’t napabalik ito sa ulirat ng maisabi ko ang mga katagang iyon.
Nakatingin ito sa mga mata ko. Ang kanyang bibilugin na mata, mahabang pilik mata, ang tangos ng kanyang ilong at higit sa lahat ang manipis nitong labi na kay sarap hagkan.
“Tila ikaw itong ayaw akong tigilan ng iyong mga titig, Ginoo?” napabalik rin ako sa wisyo ng matanong nya iyon. Tila’y ako ay napahiya.
“Pasensya na, Binibini. Hindi mo pa ba tatanggapin ang panyo ko?” nahihiyang tanong ko sa kanya
“Hindi ko na kailangan, Ginoo. Maraming salamat na lang.” saad nito at tumayo at pinagpagan ang sarili. “Bakit ka naparito, Ginoo?” biglang tanong nito sa akin.
“Ahmm, ako’y naparito kasi ano..., Narinig ko na may sumisigaw kaya sinundan ko kung saan nagmula ang mga tinig na iyon.” sagot ko sa kanya.
“Ah kaya pala, tilang ikaw lang mag-isa?”sunod na tanong nito. “Oo, ako lang mag isa. Bakit ka rin naparito, binibini?” tanong ko sa kanya. “May nangyari lang kaya dito ko na ibinuhos ang sakit at hinanakit na nararamdaman ko.” malungkot na tugon nito.
“Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?”tanong ko sa kanya. “Ako si Shine, at ikaw si?”...., “Ako si Sky, ako'y nagagalak na makilala ka, Shine.”nakangiting sambit ko
<<___________________________>>
Lumipas ang buwan ay naging malapit kami sa isa’t isa. Naging magkaibigan at gusto ko na umamin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit natatakot ako sa posibleng sagot nito..., Pero kahit ano man ang magiging sagot nya ay tatanggapin ko.
Nauna akong pumunta sa aming tagpuan, at hinintay ang kanyang pagdating.
“Shine, nais kong malaman na..ay ano ba yan! Mali na naman ako ng sasabihin nito.” di makapanteng sabi ko habang kinakausap ang sarili ko.
“Shine, Gusto ko na....”
“Na ano sky?” biglang sulpot nito sa aking likod kaya kinakabahan akong tumingin sa kanya at pekeng napangiti.
“Kanina ka pa ba ‘dyan?” kinakabahang tanong ko
“Kakarating ko lang naman eh. Ano pala gagawin natin?”nakangiting tanong nito
“Kakausapin sana kita at gusto ko lang kunin muna ang iyong permiso kung pwedi, Shine?” nakayukong tanong ko. “Ano ba yun, Sky?”...
“Gusto ko lang sabihin ang tunay na nararamdaman ko para sa iyo. Simula nong nagkakilala na tayo hindi ko maipaliwanag itong aking nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng puso ko pag nandyan ka. Lagi akong masaya pag nakakausap ka. Nalulungkot ako pag hindi kita nakikita.” sambit ko habang sya ay tahimik lang na natingin at nakikinig sa akin “Gusto kong umamin na mahal kita, Shine. Ngunit natatakot ako sa posibleng sagot mo.” nakayukong saad ko sa kanya.
“Walang mawawala kung subukan mo naman, sky.” nakangiting sagot nito.
“Gusto kitang ligawan, shine... Payag ka ba?” seryosong tanong ko sa kanya.
“Ligawan mo muna mga magulang ko.” nakangiting sagot nito kaya napangiti na rin ako. “Oo naman, gagawin ko ang lahat at maghihintay ako sa iyong sagot.” agad kong saad at hinalikan ang kanyang noo.
<<________________________>>
Lumipas ang ilang taon at h'eto na kami ngayon mag-asawa na. Kay tagal ko rin itong hinintay at ngayon ay opisyal na rin kaming mag asawa. Haharapin ang mga pagsubok na darating sa amin at sabay namin iyong haharapin na magkasama. Walang susuko at huwag mapapagod na intindihin ang isa't isa.
~The End~
❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

YOU ARE READING
The Untold Story Of Love (One Shot Story Compilation)
Short StoryEvery Characters have different forms of life. Struggle's, challenges, Acceptance and So on that life will have to go on Journey. Every part of this oneshot stories content may feel happy, sad, envy, anger and jealousy. DISCLAIMER This story is work...