"I Died?"

3 2 0
                                    

I Died?
@Laxy_Psycho24✍️

Naglalakad ako sa isang pasilyo kung saan walang dumadaan na tao. Medyo madilim at parang kinikilabutan ako at tumataas din ang mga balahibo ko. Hindi ko Alam kung bakit.

"Tulong! Tulungan niyo ko!"

"Tulong!"

Isang tinig ng babae ang narinig kong humihingi ng tulong.

Hindi ko alam kung nasaan nanggaling ang tinig na iyon.

"Tulong!"

Muli ko na naman narinig ang tinig na iyon at kusang may buhay ang aking paa dahil sinundan ko ang tinig na iyon kahit medyo madilim.

Nakita ko sa isang hindi kalayuang pinto at may ilaw ito sa labas.

Pinakiramdaman ko muna kung dyan ba talaga nagmula ang tinig ng babae.

"Tulong! Tulungan ninyo ako!" Nakumperma ko na doon talaga nagmula ang tinig ng babae kaya lumapit ako sa pinto at agad kong hinawakan ang doorknob ngunit bigla na lang tumagos ang kamay ko.

"Bakit hindi ko mahawakan? Anong nangyayari sa akin?!" biglang sabi ko.

Hindi ko alam at tumagos ang buo kong katawan at doon ko nakita ang aking sarili na puno na ng dugo meron isang lalaki na hawak ang isang kutsilyo.

"Bakit nandyan ako? Anong nangyari sa akin at bakit ako ang babae dyan." Puno ng katanungan ang nasa isip ko.

"Haha... Ito ang bagay sa'yo bunso! Buhay mo ang kapalit sa pagkamatay ng mahal ko!" malademonyong saad ng lalaki.

Bigla itong tumingin sa akin na nakangisi.

And I remember that my brother is the one who killed me without knowing that her girlfriend committed suicide because of him.

And one thing I remember I died for almost 3 years!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Untold Story Of Love (One Shot Story Compilation)Where stories live. Discover now