Hello! It's me, Annette. Jolly akong person at friendly din. Kahit sino hindi ko pinapalagpas. Paki nyo ba? Eh sa want ko lang makipagkaibigan atleast hindi ko sila nilalandi. Oh diba pak ganern!
“Annette, na mukha ay anit. Ano ang ating ulam?” biglang saad ng ate ko na akala mo naman maganda. “Wow, nahiya ako sayo ate Berna, kay pangit na nga ng pangalan.” natatawang banggit ko sa kanyang pangalan habang nagluluto ng ulam namin na sinigang na baboy.
“Chee! Atleast maganda!” angal nya at tumalikod na. “Maganda pa nga yung aso kesa sa‘yo na inggron ka. Joke lang ate.” natatawang saad ko sa kanya.
____________
“Annette, malapit na ang pasukan. Kailan mo balak mag pa enroll?” tanong ni mama sa akin. “Sa susunod na linggo ako magpapa-enroll, mama.” tanging sagot ko sa kanya.
“Berna, ikaw bahala sa kapatid mo ah. Pag may masamang mangyari sa kapatid mo, makukutungan talaga kita.” saad ni mama sa kay ate na ngayon ay nakasimangot na. “Ano tinitingin mo anit?” galit na tanong nito sa akin ngunit inilabas ko na lang ang dila ko sa kanya. “blehhh”.
“Mama, si anit inaaway ako.” sumbong nito sa kay mama ngunit hindi sya pinakinggan nito. “Oh sya, aalis na ako. Mag-iingat kayo rito.” saad ni mama bago umalis ng bahay.
“Ate Berna, mall tayo! Hanap us boylet.”natatawang ani ko sa kanya. “Ikaw na anit ka para kang baliw pero sigi na nga hanap tayo boylet sa mall.” natatawang sagot nito sa akin. “Ano pa hinihintay mo tara na!” natatawang saad ko sa kanya.
____________
“Ate Berna, Kita mo yung lalaking nakatalikod?“ tanong ko sa kanya habang si ate naman ay nakakunot ang noo na tinitingnan ang lalaki. “Ano naman gagawin ko doon?” sagot nito na ikinatawa ko.
“Ate, tutulungan kita pero dapat makisabay ka sa plano ko. Maliwanag ba?” ani ko sa kanya bago ito tumango. Lumapit kami sa nakatalikod na lalaki dito sa mall.
“Psst.” pagsit-sit ko kay kuya na nakatalikod. Tumingin naman ito sa amin at nakafacemask ang mukha nito kaya yung mata lang ang makikita namin at yung buhok na nakatabon sa isang gilid ng kanyang mata. Kaya binulungan ko si ate na, “Ate, ang pogi oh. Pa picture ka dali.” sabi ko kay ate.
“Kuya, pwedi mag pa pic si ate na kasama ka? Yung wala kang facemask sana.” tanong ko sa kanya na ngayon ay tumango. Lumapit naman si ate sa kanya at ready na mag pa picture at ako naman ay naka ready na rin ang cellphone na gagamitin. Hinubad naman ng lalaki ang facemask nya sabay akbay kay ate at ngumite.
“Infaireness ang gwapo mo kuya..., Single ka naman siguro?” natatawang tanong ko. “Oo, single ako akin na ate mo ah saka...,” sagot nito at bigla na lang tumingin sa tabi ko si kuyang pogi. “Brad sayo na kapatid ni Berna.” dugtong nito kaya tumingin ako sa itinuro ni kuyang pogi at “What? Ikaw na naman?!” sigaw namin pareho ng makilala ko ang lalaking ito.
Sya kasi ang kumuha ng First kiss ko at ang worst ay enemy ko pa. “Umalis ka sa harap ko!” sabay pa rin namin na sabi kaya galit akong nakatingin sa kanya habang sya ay nakangise.
“What the fudged! I hate you magnanakaw!” sigaw ko sa kanya dahil sa galit. “But I love you Annette. Mwah!” sabi nito at mabilis na hinalikan ang labi ko kaya natuod ako sa kinatatayuan ko at ilang segundo lang ng mahismasan ay hinabol ko sya.
“Pag mahuhuli talaga kita, lagot ka sa akin na walang hiya ka!” sigaw ko at patuloy pa rin sa paghahabol sa kanya.
~The End~
❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎
YOU ARE READING
The Untold Story Of Love (One Shot Story Compilation)
Short StoryEvery Characters have different forms of life. Struggle's, challenges, Acceptance and So on that life will have to go on Journey. Every part of this oneshot stories content may feel happy, sad, envy, anger and jealousy. DISCLAIMER This story is work...