“Mahal kita pero Mahal Mo'y Iba”
Umiiyak akong nakatingin sa 'di kalayuan habang nakikita ang asawa ko na masaya na kasama ang kaibigan kong si Jane. Ilang taon na kaming mag asawa ngunit hindi ko nakikita at naramdaman na mahal nya ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan ang number nya. Kita kong kinuha nya ito sa kanyang bulsa at tiningnan ngunit agad nya rin itong pinatay. Naiiyak akong nakaupo sa lupa at 'di alintana ang dumadaan na tao at sasakyan. Umuwi akong namamaga ang aking mga mata at 'di pa rin tumitigil ang mga luha kong kanina patumutulo.
<<______________>>
“Mike, minahal mo ba ako?” umiiyak kong tanong sa kanya ng kakapasok nya lang sa bahay. “Hindi kita minahal Sandra, kaya stop this nonsense imagination of yours. Kinasal lang tayo dahil sa kagustuhan yun ng pamilya natin ngunit ni kahit kailan hindi kita minahal!” sigaw nito sa akin.
“Kahit ni isang pursyento ba 'di mo ako minahal?” tanong ko at napaupo na sa sahig. “Hindi kita mahal Sandra, kaya wag kang umasa na mamahalin kita. Dahil nong una pa lang kaibigan mo ang mahal ko at hindi ikaw.” sigaw nito at umalis sa aking harapan. Umasa lang pala ako sa wala. Ako lang yung nagmamahal ng totoo. Naging tanga ako sa pag-ibig na ito. Masakit na makita yung mahal mo na mahal nya ay iba at ang mas masakit ay yung kaibigan ko pa. Sobrang sakit itong aking nararamdaman.
“Permahan mo ito. Maghiwalay na tayo at isa pa hindi kita gusto.” malamig nitong saad kaya kinuha ko ito at agad na pinirmahan. “Good, now you can leave my house.” malamig nitong saad at tumalikod na sa akin.
<<___________>>
Umiiyak akong lumabas ng bahay ni Mike, kahit masakit ay pipilitin kong maging matapang at maging matatag para sa sarili ko at para sa pamilya ko. Mahal kita Mike, ngunit mas mahal mo ang kaibigan ko. Pinapalaya na kita. Sana maging masaya ka sa piling nya, mahal ko.
Bago ako umalis dala ang aking mga gamit ay tiningnan ko ang kabuuang bahay. Mamimiss ko itong lugar pati na rin Ikaw Mike. Hanggang sa susunod natin na pagkikita, at sa oras na iyon ay nakalimutan na kita.
~The End~
❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎
YOU ARE READING
The Untold Story Of Love (One Shot Story Compilation)
Short StoryEvery Characters have different forms of life. Struggle's, challenges, Acceptance and So on that life will have to go on Journey. Every part of this oneshot stories content may feel happy, sad, envy, anger and jealousy. DISCLAIMER This story is work...