“My Crush Rejected me”
Nandito ako sa room. Tinatanaw ang labas habang ako’y nakaupo malapit sa bintana. Napangiti ako habang nakita ko ang babaeng nagugustuhan ko papasok sa gate.
“Uy pre! Tulala kana naman diyan. Nakita mo naman siguro yung crush mo kaya ka nakangiti?” tanong nito at agad na umupo sa aking tabi. Agad naman akong tumango bilang tugon.
Tumingin ako sa bintana ngunit hindi ko na siya nakita pa. Siguro ay nasa loob na ito ng kaniyang room. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at agad na tinipa at pinindot ang Facebook.
Ni stalk ko ang kaniyang larawan at hindi ko mapigilan ang mamula kapag ang kaniyang picture ang aking tinitigan.
Nahihiya akong lumapit sa kaniya at nahihiya rin akong eh add siya sa Facebook baka ayaw niyang eh accept.
“Ikaw pre, ni istalk mo na naman siya. Bakit ayaw mo pa siyang eh add?” tanong nito sa akin.
“Nahihiya kasi ako at baka hindi nito ma accept yung friend request ko,” sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman na napangisi ito at agad na inagaw ang cellphone na nasa aking kamay.
“Uy pre! Ibalik mo nga iyan sakin!” sigaw ko sa kaniya na agad niyang tinawanan. Kukunin ko na sana ng tumakbo ito papalabas ng room.
“Habulin mo ko kung kaya mo!” sigaw nito at agad na pumasok sa kabilang room. Alam nito na hindi ako makakapasok sa kabilang room dahil nandoon ang crush ko at nahihiya ako na pumasok.
Sobrang ganda niya kahit na pandak at medyo chubby siya. She's cute enough and those smile of her. Ang talino niya rin. Minsan nga lang mapagkamalan mo siyang tomboy dahil ang angas niya kung lumakad at manamit.
“Ibigay mo na sa akin yung cellphone ko pre!” sigaw ko sa kaniya ngunit hindi ito nakinig sa akin at sumayaw- sayaw pa ito sa loob ng classroom ng crush ko.
Bigla naman napatingin yung crush ko habang nagcecellphone. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at tila parang huminto at naging blur ang paligid ko na siya lang yung nakikita ko.
“Hoy Jade! Ibalik mo na sa kay Josh yung cellphone niya!” sigaw ng kaibagan ko rin at magkaklasi sila ng crush ko.
“Ayaw ko pre! Nandito kasi yung crush niya Hahaha!” natatawang sagot nito kung kaya ay umalis na lamang ako at bumalik sa room.
Napakamot na lang ako sa batok dahil sa kahihiyan na ginawa ng kaibigan ko.
“Josh, sino crush mo doon? Ikaw huh hindi ka nagsasabi!” saad ng isang classmate kong babae.
“Pumapa-ibig na ang ating kaklasi!”
Mga kantyaw nila na ikinatawa ko.
“Ang sabihin ninyo mga chismosa lang kayo!” saad ko at nagpipigil na tumawa.
“Chee! Anong chismosa ka diyan?”
“Aba want lang namin na malaman,”
Mga sagot nila kaya tinawanan ko sila at umupo sa upuan ko. Maya-maya pa ay pumasok ang kaibigan ko na may napakalaking ngisi ang naka-ukit sa kaniyang labi.
Napataas naman ako ng kilay na animoy nagmamataray sa kaniya.
“Tingnan mo!” sigaw nito at inilapag ang cellphone ko sa armchair.
Nakita ko na lang na inaccept ng crush ko yung friend request kahit hindi naman ako ang may gawa non.
“Umamin kana kasi!” saad nito ngunit napailing na lang ako.
---
Nakita kong online siya kaya ni chat ko siya. Nag reply naman siya kaya napangiti ako at kinilig din.
Matagal rin ang pag-uusap namin hanggang umabot iyon ng ilang araw.
Hindi ko na kaya itong nararamdaman ko para sa kaniya. Nais ko na mag confess para ket papaano ay maibsan itong bigat na nararamdaman ko para sa kaniya.
“Hi?” panimulang chat ko sa kaniya. Agad niya naman itong na seen.
[“Yes? May kailangan ka ba?”] tanong nito na ikinakaba ko.
“Uhmm, paano ba ko magsisimula?” tanong ko sa kaniya.
[“Magsisimula saan?”]
“May sasabihin sana ako sayo ngunit sana kapag sinabi ko ito sayo sana huwag kang lalayo sa akin!” reply ko.
[“Ano ba iyon?”]
“May gusto ako sayo at crush kita. Pwedi ba kitang ligawan? Matagal na kitang gusto at matagal na rin kitang pinagmamasdan,” reply ko ngunit ni seen lang nito ang chat ko. Naghintay ako ng kalahating oras ngunit hindi pa rin ito naka reply kahit na active siya.
“Handa naman akong maghintay kung kinakailangan. Pero sana huwag ka naman lumayo sa akin,” malungkot kong reply.
[“Pasensya na pero hindi kita gusto. I'll reject sa panliligaw mo. Study first ako at marami akong gagawin sa buhay ko. Marami pa namang iba diyan na mas deserving ang pagmamahal mo.”]
Dahil sa reply niya ay umiyak ako ng husto. Mahal ko siya ngunit bakit ganito? Ni reject ako ng babaeng mahal ko.
“Wala ba akong pag-asa sayo?” reply ko habang umiiyak. Oo lalaki ako at umiiyak hindi dahil nababakla kundi may damdamin at may nararamdaman ako para sa kaniya.
[“Pasenya na talaga dahil hindi kita gusto. Mas mabuti pang nasabi ko na sayo ng maaga kesa sa umasa ka sa wala. Naramdaman ko rin ang nararamdaman mo dahil nangyari na rin iyan sa akin at masakit ang umasa. Kaya sinasabi ko na sa iyo na hindi ko matatanggap ang panliligaw mo.”]
Hindi ako nagreply sa chat niya dahil nasasaktan ako ng husto. Ganito pala yung feeling na mabusted ng babaeng mahal mo?
Nag log out ako at nagmukmok sa kama at doon bumuhos ang iyak ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nahihiya na ako kapag makikita ko siya sa school ngunit ayos lang kahit na nasa malayo siya ay matatanaw ko pa rin ang kaniyang magandang ngiti. Sa sobrang pag-iyak ko ay nakatulog ako.
---
*Kinabukasan*
“Hoy Josh! Bakit maga iyang mata mo?”
“Wala,” tanging sagot ko at umupo.
Nakita ko naman na masaya itong naglalakad kasama ang kaniyang kaibigan. Hindi ko pa rin matanggap ang pagbusted niya ngunit pipilitin ko na maka move on.
Habang papalapit ito sa kaniyang room ay nakita kong sumilip siya sa room namin. Nagtagpo ang aming mata ngunit agad ko rin iniwas.
Napangiti na lang ako ng mapait at tinuon na lang ang attention ko sa paglalaro ng ML. Alam kong darating ang panahon na pagtagpuin kami ng tadhana sa tamang panahon at sa tamang oras.
~End~
❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎
YOU ARE READING
The Untold Story Of Love (One Shot Story Compilation)
Short StoryEvery Characters have different forms of life. Struggle's, challenges, Acceptance and So on that life will have to go on Journey. Every part of this oneshot stories content may feel happy, sad, envy, anger and jealousy. DISCLAIMER This story is work...