"CRUSH EMBARRASSED ME"

6 5 0
                                    

“Crush Embarrassed Me”

“Iyah, crush mo oh!”  sigaw ni Mia sa akin dahil malapit lang ito sa bintana.

Nakita kong papasok pa lang sa gate si Aldrin kaya pa simple lang akong nakaupo sa upuan ko at nakahanda na ang inilagay ko na letter sa ilalim ng desk nito. Meron pa doon na chocolate at teddy bear.

“Mia, sigurado ka bang hindi niya iyon malalaman na ako ang nagbigay sa kanya?” tanong ko kay Mia na bago ko lang naging kaibigan.

“Hindi niya iyon malalaman, Iyah lalo na't secret admirer ang nilagay mo doon. Syempre huhulaan niya kung sino ang nagbigay sa kanya,” sagot nito sa akin habang ako naman ay kabang-kaba kung ano ang maging reaction ni Aldrin.

“Nasa labas na ba siya, Mia?” tanong ko sa kanya na ikinatango nito. Kaya bumuntong hininga muna ako kahit na kinakabahan.

“Papasok na siya, Iyah!” saad nito sa akin.

Tuluyan na ngang pumasok si Aldrin kasama ang kaniyang barkada. Umupo na ito sa kanyang upuan at paminsan-minsan ko itong tiningnan kung ano ba ang kaniyang ginagawa.

Nagtama ang aming mata ngunit ako rin ang unang napaiwas dahil hindi ko makayanang matitigan siya ng napakatagal sa kanyang nagandang mata.

“Pre! May nakita ako sa ilalim ng desk mo oh!” sigaw ni Mel na kabarkada niya kaya napayuko ako at umaastang nagsusulat.

“Ikaw pre huh! May secret admirer ka na,”

“Sino naman kaya ang nagbigay sayo ng ganyan pre?”

“Sana all may secret admirer!”

Naririnig kong sambit ng kanyang mga barkada. Tila bigla akong kinabahan.

“Mia, pwedi mo ba akong samahan mag CR? Naiihi na ako,” tanong ko kay Mia. Tumango naman ito kaya nagtungo na kami sa CR.

“Iyah, bakit ‘di ka mapakali? Kanina ka pa lakad ng lakad sa CR na to oh!” saad ni Mia sa akin.

“Kanina pa ako kinakabahan eh, hindi ko alam kung bakit.” malungkot na turan ko sa kanya.

“Tara balik na tayo sa room baka nandoon na si Ms. Buenaventura!” saad nito kaya lumabas na kami sa CR at bumalik na nga sa room.

Nadatnan ko naman na ang kaibigan ni Aldrin ang kumakain ng chocolate's na ibinigay ko at nakita ko na sira na yung teddy bear. Gusto ko man umiyak ngunit hindi pwedi baka malaman nito na ako ang nagbigay sa kanya. 3 years ko ng crush si Aldrin pero now lang ako gumawa ng ganong bagay. Gusto ko na rin mag confess ng aking nararamdaman ngunit natatakot ako sa posibleng mangyari.

“Hi, Iyah!” pagbati ng isang barkada ni Aldrin.

“Hello!” saad ko at bumalik na sa aking upuan.

------

“Huli ka!”

“Hahaha! Pre tama nga ang hinala ko siya nga yung naglalagay sayo ng mga chocolate's!”

“Si Iyah pala yung may crush sayo pre?”

Saad ng barkada ni Aldrin kaya kinakabahang humarap ako sa kanila at agad rin nakayuko ng makita ko ang seryosong mukha ni Aldrin sa aking harapan.

“Ikaw pala yung naglalagay sa ilalim ng desk ko ng mga chocolates at teddy bear?” he ask in a serious voice.

Tumango ako ng bahagya habang naririnig ko ang tawa ng kanyang mga kaibigan.

“Stop crushing on me. I don't like you! Look, your an ugly creature. Bagay sa isang basurahan ang mga kagaya mo. Hahahaha!” saad nito at tumawa ganon rin ang kaniyang mga kaibigan.

Napangiti ako ng mapait at handa ng tutulo ang luha ko ngunit pinipigilan ko kahit masakit ang binibitawang kataga ni Aldrin sa akin.

“3 years na akong may crush sayo, Aldrin. Hindi ko inaakala na ganyan pala ang ugali mo. Ang gwapo mo nga pero ang sama ng budhi mo. Kung makapang lait ka parang walang bukas!” iyak kong turan sa kanya dahil hindi ko na mapigilan ang hindi umiyak dahil sa kanyang mga binitawang kataga sa akin.

“Gwapo nga ako at ikaw naman ang pangit bagay ka sa basurahan. Hahaha!” saad nito at tumawa.

“Hali ka rito Mia, my love!” sigaw ni Aldrin habang binanggit ang pangalan ni Mia. Pumasok si Mia sa room at agad na hinalikan si Aldrin sa aking harap.

Ano ibig sabihin nito? Ang sabi sa akin ni Mia support niya ako? Pero bakit? Bakit ganito ang nakikita ko? Bakit hinalikan ni Mia si Aldrin sa labi?

“Hi, Iyah! It's me Mia. Girlfriend of Aldrin!” nakangising saad nito sa akin.

“Look, love! She's like a trash bagay sa basurahan!” Aldrin said at tumawa.

“Poor Iyah! Sarry not sorry! Aldrin didn't like you because you're such a piece of trash na nakikisawsaw sa may relasyon. Tama nga ako sa umpisa pa lang na gusto mo ang nobyo ko kaya plano kong makalapit sayo at para mapahiya ka na rin dahil sa itsura mo! Kung hindi pala kita nilapitan hindi ko pa malalaman na may gusto ka sa kanya. Poor, Iyah!” saad nito at binuhusan ako ng tubig.

Kaya tumawa silang lahat. Marami pala ang nakakita kaya dali-dali akong lumabas sa room at hindi ko na nagawang sumabat sa kanila.

Kaya pala ganon ang ginawa ni Mia. Tama ang sabi nila na huwag agad pagkakatiwalaan ang isang tao base sa kanilang kilos kundi alamin muna ang totoong personalidad nito at ang totoong pagkatao.

------

Dahil sa nangyari ay hindi ko na magawang mag-aral sa eskwelahan na yun. Lumipat ako sa isang school at doon nakilala ko ang isang tunay na kaibigan at hindi na pangit ang mukha ko gaya nong dati. Naging palaban na rin ako dahil hindi ko na gustong apihin na lamang ako ng basta-basta.

~The End~

❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

The Untold Story Of Love (One Shot Story Compilation)Where stories live. Discover now