“I'm Sorry”
[“I’m sorry Gale! I didn't love you!”]
[“Stop bothering me nor texting me!”]
[“I have my new one, so stop following me!”]
Basa ko sa mga text nito habang nakikita ko siyang masaya sa piling ng kaibigan kong si Zack. I love her for almost 2 years. Hindi ako naghanap ng iba dahil alam kong siya lang ang bukod tanging aking mahal. Paano ako hahanap ng iba kong siya lang ang tinitibok ng puso ko? Paano ako maghahanap kong sa kaniya pa lang siya na ang sapat.
Ilang beses na kaming nag-away ngunit ako yung nag-aayos ng problema namin. Bakit? Bakit? Bakit pa niya ako ginanito? Hindi niya ba alam na labis akong nasasaktan?
Lahat na lang binabalewala niya pati na ang pagmamahal ko. Lahat ibinigay ko na sa kaniya bakit ganito pa ang gagawin niya sa akin?
Tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Mahal ko siya, ni hindi ko na nga magawang mahalin ang sarili ko ng dahil lang sa kaniya pero ito yung gagawin niya yung saktan ako?
[Please talk to me. Ayusin naman natin to oh!] Reply ko sa kaniya.
[“Wala na tayong pag-uusapan pa Gale! Pagod na ako sayo!”] reply nito na ikinadurog ng puso ko.
Gusto ko man siyang lapitan pero hindi ko magawa. Tuluyan naman akong umalis kung saan nakikita ko sila sa malapitan. Masaya silang pareho habang ako umiiyak dahil lang sa kaniya.
-------
Papasok na ako sa trabaho ko ng makasalubong ko si Zack. Bigla naman siyang ngumite sa akin pero hindi ko ito pinansin at patuloy na lamang sa paglalakad.
“Gale!” tinawag ako nito pero hindi ko ito pinansin. At patuloy na lamang sa paglalakad.
“Gale!”
“Gale!”
“Ano pa ba ang kailangan mo? Nasayo na si Michelle!” galit kong sigaw sa kaniya na ikinayuko nito.
“Gusto lang naman kitang kausapin,” sabi nito na ikinakuyom ng aking mga palad.
“Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan? Ang tungkol sa inyo ni Michelle? Pwedi ba tigilan ko ako? Dahil kasalanan mo rin bakit nawala sa akin si Michelle!” galit kong sigaw sa kanya at agad na tinalikuran at hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot.
Matamlay akong pumasok sa loob ng opisina at napaiyak na rin.
“Gale, ayos ka lang ba?” bigla kong pinunasan ang luha ko ng magtanong si Lea.
“Ayos lang ako.” tipid kong sagot.
“Sorry about sa inyo ng kaibigan ko, sana patawarin mo siya,” matamlay na saad nito sa akin bago ako tinalikuran.
Patawarin? Papatawarin ko ba siya na ganon ang kaniyang ginawa? Naawa ba siya na niloko ako? Masaya pa nga siya sa kaibigan ko!
Napabuntong hininga muna ako bago magsimula sa aking trabaho.
_______
“Gale, sasama ka ba?” tanong ni Lea sa akin na ikinakunot ng aking noo.
“Saan naman ang pupuntahan? May aasikasuhin pa ako baka hindi ako makakasama,” sagot ko sa kaniya na ikinalungkot ng kaniyang mukha.
“Please sumama kana kahit ngayon lang!” naiiyak nitong sabi sa akin.
“Bakit ka umiiyak? Hindi naman kita sinaktan,” tanong ko kaya pinunasan nito ang kaniyang luha.
“Sumama ka na lang para malaman mo,” sagot nito kaya wala na akong magawa at sumama na lang sa kaniya.
_____
“Bakit nasa rooftop tayo?” tanong ko kay Lea.
“Maghintay ka lang dahil pupunta na sila rito,” sagot nito kaya kinuha ko muna ang cellphone ko habang wala pa sila.
Pinindot ko ang gallery at agad na pinindot ang larawan na magkasama kami ni Michelle. Napaiyak naman ako dahil sa nangyari sa amin.
“Nandito na sila, Gale.”
Napatingin naman ako agad at nakita ko si Zack.
“Bakit narito ka?” tanong ko pero hindi ito sumagot at bigla na lang lumabas si Michelle.
“Ano pa ba ang kelangan ninyo?” galit kong tanong sa kanila pero bigla na lang may tumambad na wheelchair sa harap ko.
“Hindi ako si Michelle, Gale. Ako si Michaela ang kakambal ni Michelle. At itong nasa wheelchair ay si Michelle. Pasensya na kung nagalit ka ng husto dahil ayaw ni Michelle na masktan ka dahil ganito ang kaniyang sinapit,”
Bigla akong napaluhod at napaiyak ng husto. Hinawakan ko sa kamay si Michelle habang hindi makapagsalita at hindi makatayo. Maputla ang kaniyang balat at kung titingnan mo ay wala itong kabuhay-buhay. Hindi ko alam na meron pala itong kakambal.
“Mahal na mahal ka ng kapatid ko, Gale. Ayaw ka niyang saktan kapag nakita mo siyang ganiyan ang kaniyang kalagayan,”
“Mahal naman bakit tinago mo ito? Bakit kelangan mo pang saktan ako? Bakit hindi mo ito sinabi sa akin? Akala ko ba walang magtatago ng sekreto sa isa sa atin?” umiiyak kong mga tanong sa kaniya. Nakita ko lang na tumutulo ang luha nito. Hindi siya makapagsalita at tanging tingin na lamang ang isinukli.
“Mahal na mahal kita Michelle!” saad ko at niyakap siya.
Umiiyak lamang silang tatlo habang nakatingin sa amin ni Michelle. Pati ako ay umiiyak na rin.
_____
“Paalam mahal ko sana masaya ka sa piling ng panginoon.”
“Mahal na mahal kita Michelle! Mahal na mahal!”
Tumutulo ang mga luha ko habang tiningnan ang kaniyang lapida. Sana nakasama pa kita ng matagal. Paalam mahal ko.
~The End~
❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎
YOU ARE READING
The Untold Story Of Love (One Shot Story Compilation)
Short StoryEvery Characters have different forms of life. Struggle's, challenges, Acceptance and So on that life will have to go on Journey. Every part of this oneshot stories content may feel happy, sad, envy, anger and jealousy. DISCLAIMER This story is work...