Natapos ang last subject namin sa umaga ay tulala padin ako at hindi nakinig sa klase. Bumabagabag padin sa akin ang nangyari kanina sa hallway.Bakit niya ba ako tinawag na Aries Mercy? Hindi naman ako si Aries at isa pa sino yung nagsalita. First time kong may naramdamang kakaiba sa paaralang ito. Nang mag second year college ako dito parang may kakaiba na or hindi lang ako ang nakaramdam ng ganito.
Mas lalong naguguluhan ang at nausisa ako sa mga weird na nangyayari sa paaralang ito. Who is Aries Mercy? Yan talaga ang tumatatak sa aking utak, hindi pa nga ako naka move on sa lalaking pulang mata ngayon may nangyayari na naman.
"Claire?"
"Huh?"
"Ayaw mo ba sa pagkain na yan?" Napataas ang kilay ko. May Nginuso niya kaya sinundan ko ng tingin.
Napakagat ako sa labi ko, parang kinatay ko na ang pagkain. Napatingin ako kay Shaine na umiling sa aking ginawa. Ganun ba kalalim ang iniisip ko? Nakalimutan ko palang nandito na kami sa canteen.
"Are you okay? Did something wrong?" Umiling ako. Baka mag-alala naman siya kung sasabihin ko pa.
Ngitian ko siya, "ayos lang ako." Napabuntong hininga siya at kumain na. Nakahinga ako ng maluwag, akala ko mag tatanong pa siya baka hindi ko masagot at mabuking ako.
"Hi girls," napairap ako ng may biglang umupo sa tabi namin at may dalang pagkain. Ano naman kaya ang kailangan niya?
"Bakit ka nandito? Do you know na may kasalanan ka pa sa kaibigan ko?" Inis sabi ng kaibigan ko. Ang mukha nito ay talagang hindi na maguhit. Masama niyang tinitigan ang katabi ko. Napailing na lang ako.
"Chill Shaine, i apologize na, right Jane?" Bumaling ako sa katabi ko. He looked at me and smiled. Hinihintay ang sagot ko.
"Wala akong naalala," sabi ko at kumain na.
"See? Umalis kana dito baka mapatay kita dito Hendrix!"
"Jane naman oh, help me please." Hindi ko sila pinansin, gusto ko lang kumain. Mabuti nading masapak ni Shaine si Hendrix kasi naiinis nadin ako sa kaniya.
"Ara—aray! Sorry na Shaine. Kasalanan ko bang ang gwapo—aray! Aray!"
Napapikit nalang ako sa tenga dahil sa away nilang dalawa. Umikot ikot sila sa lamesa habang tumatakbo, para silang bata.
"Hindi talaga kita mapapatawad kang punyeta ka!"
"Tumahimik nga kayo, tinitingnan na tayo." Mahinang sabi ko sa kanilang dalawa pero parang hindi nakarinig sa sinabi ko dahil nag-aaway padin sila.
"Hi babe," napahinto silang dalawa ng biglang dumating si Mike na may dalang yakult.
"Bakit ang tagal mo? Nambabae ka na naman?" Inis nitong bungad niya kay Mike. Kahit kailan talaga to si Shaine selosa, hindi ko siya masisi din dahil ang gwapo ni Mike. Talagang maraming nagkandarapa sa kaniya.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Hendrix.
"I'm sorry, may pinapagawa ka si professor ko." Inirapan niya ang boyfriend niya at umupo kaharap namin. Sumunod din sakin si Mike. Magkatabi sila ngayon.
"Here, i buy that para hindi ka na magalit."
"No thanks," Shaine said at nilagay ang dalawang kamay sa dibdib at pinagkrus.
"Sa akin nalang yan pre—
"No give me that!" Mabilis na kinuha ni Shaine ang yakult na dala ni Mike at ininom. Napatawa nalang ako.
"Bakit ka nga pala pinatawag?"
Lahat kami bumaling sa kay Mike.
"There's a new transferre kaya pinaasikaso ng professor namin ang kanilang papeles." Bigla akong nagka interes sa sinabi niya. Transferre? Ang ibig niya bang sabihin yung kausap ko kanina?
![](https://img.wattpad.com/cover/323050460-288-k954908.jpg)
YOU ARE READING
Bite Me
RandomShe is Jane Mercy Mendoza, a college student. She is living to her tito, siblings of his dad. Her parents passed away when she was a kid. Jane life is so mess because no one loves her except for her friend, Shaine. Siya lang ang meron siya at takot...