Nagising ako ng tumama sa akin ang liwanang sa mukha ko. Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang bintana, naka bukas pala ito. Sino kaya ang nagbukas nito para mapatay ko. Gusto ko pang matulog pero hindi na ako inaantok eh.Tiningnan ko ang higaan, wala na akong katabing demonyo. Nakahinga ako ng maluwag, naka alis na pala siya mabuti yun. Hinawakan ko ang leeg ko, wala akong nararamdaman na sugat at hindi na masakit ang leeg ko. Ayos na din ang katawan ko, wala ng masakit.
Dahan-dahan akong umupo sa higaan, tiningnan ko ang kamay ko naka dextrose padin. Kailan pa to nila tatanggalin? Gusto ko ng umalis dito. Ayoko talagang naka stock ako sa isang hospital, binabangungot ako eh. Mananaginip ako tungkol sa nakaraan na pilit kung kalimutan.
Pilit ko padin sinisisi ang mga bagay na sinsabi nilang huwag ko daw sisihin ang sarili ko pero wala sila sa posisyon ko eh. Kung sila ay ako baka sisihin din nila ang kanilang sarili.
My dad and mom died because of car accident at kasama ako doon. Seven years old lang ako noon noong nagyari yun. Hindi ko nga alam bakit ako nabuhay kung gayon malakas ang pagtama ng sasakyan sa malaking panel. Sirang sira yung sasakyan namin noon pero bakit ako nabuhay nakakapagtataka talaga at wala pa talagang kahit galos ako noon. Sinong hindi magtataka nun?
Sabi nila miracle daw yun pero sa akin hindi. Dapat daw akong magsaya dahil nabuhay pa ako pero kabaliktaran. Gusto ko pang mamatay kesa mabuhay. Ano bang silbi ko sa mundo kung yung taong minahal ko sa buhay nawala na?
Naalala ko pa noon kung bakit ako walang galos ni isa. Isang lalaking may tattoo sa dibdib ang nagligtas sa akin noon, hindi ako sigurado kung niligtas niya ba ako o panaginip ko lang yun pero sa tingin ko naman totoo yun.
Nabalik ako sa pag-iisip ng bumukas ang pinto. Biglang pumasok ang babae na nakasuot ng maid. Ngumiti ito sa akin at yumuko.
"Magandang umaga kamahalan, ayos na po ba kayo?"
Ngumiti ako sa kaniya. "Sa tingin ko," hindi siguradong sabi ko.
"Ganun po ba, pumunta lang po ako dito kamahalan para tingnan ka po pinautos pa kasi sa akin ni binibining Elena." Napatango nalang ako at ngumiti.
Yumuko ito sa akin at aalis na sana ng biglang tumunog ang tiyan ko. Napahawak ako sa tiyan, nakakahiya yun. Tiningnan ko ang babae na ngayo'y nagtataka ang mukha. Hindi ba tumutunog ang tiyan nila kapag gutom? Mukha siyang inosente.
"M-may pagkain ka bang dala?" Nahihiyang sabi ko habang namumula ang pisngi ko. Nakakahiya ito! Ilang araw na ba ako natutulog para tumunog ito.
"P-patawad kamahalan pero wala po," nahihiya itong yumuko. Napabuntong hininga nalang ako.
"Pwede mo ba akong dalhin ng pagkain?" Wala na akong pake sa mga sinasabi ko, papakapalin ko na ang mukha ko. Kung hindi ko yun gagawin mamatay ako nito.
Napakunot ang noo ko ng biglang lumaki ang mga mata nito. Bigla siyang lumuhod sa harap ko. "P-patawad kamahalan pero ang utos po ng hari ay hindi ka po bigyan. Patawad po." Sabi niya kulang nalang umiyak. Hindi ko siya pinansin kung anong ginawa niya.
Nasa atensiyon ko ngayon ang sinabi niya. Kumukulo ang dugo ko, pagkatapos niya akong kagatin at tumabi sa akin hindi niya ako papakainin. Mukha ba akong robot para hindi nagugutom? Kung may baril man ako ngayon baka hindi ako magdadalawang isip na barilin siya. He is really heartless!
"P-patawad po, patayin niyo lang po ako." Bumaling ako sa babaeng nakaluhod ngayon habang umiiyak. Ganito ba to sa kanilang mundo? Baka nga ako ang patayin ng babaeng ito dahil siya ay bampira.
Kung sa mundo namin hindi nila ito gagawin baka nga pabayaan kalang nila at magsaya pa sila. Sa New York kung maldita ang amo mo ganun din sila, hindi sila magpapatalo pero dito hindi ko na talaga alam.
YOU ARE READING
Bite Me
RandomShe is Jane Mercy Mendoza, a college student. She is living to her tito, siblings of his dad. Her parents passed away when she was a kid. Jane life is so mess because no one loves her except for her friend, Shaine. Siya lang ang meron siya at takot...