Nakatitig ako ngayon sa malaking mansion na nasa harap ko, mukhang palasyo din ang nasa harap ko ang kaso nga walang hari at reyna kaya talagang hanggang mansion lang siya.Maraming bulaklak ang nasa paligid, siguro mahilig ng bulaklak ang kaniyang kapatid. Maraming guard din ang nakapalibot sa paligid at idagdag mo pa ang dala ng guard ng katabi ko. Hindi ko talaga alam na sinusundan pala kami ng mga guard niya, siguro hari siya kaya normal lang na magdala siya baka harangan kami sa daan katayin katawan namin.
Napalunok ako ng maramdaman ko ang pagpulopot ng kamay niya sa bewang ko, parang may dumaang kuryente ng ginawa niya iyon. Hinayaan ko lang siya, mas mabuting hawak niya ako baka may biglang kagatin ako nako ayoko pang katayin ng maaga.
"Just stay with me human," he whispered to my ear. Hindi ko mapigilang mapairap sa sinabi niya.
Hinila niya ako papasok, yumuko ang mga guard sa kaniya bago kami pumasok sa mansion ng kapatid niya. Medyo kinakabahan ako at hindi mapakali.
"H-hindi ba nila ako kakainin kamahalan?" Mahinang sabi ko.
"They will eat if you don't stop talking." Malamig niyang sabi, napatiklop ang bibig ko. Nagtatanong nga lang ako, ano bang kinagalit niya. Kung ayaw niya pala sa maiingay eh di sana inuwi niya na ako.
Pagpasok namin bumungad sa amin grand entrance, lahat ng mga tao—bampira ay nakatitig sa amin ngayon. Yumuko silang lahat ng makita nila kung sino ang dumating. Gusto kong umirap ngayon, ganito ba talaga ang mundo nila?
Hindi nakatakas sa akin ang tingin nil sa akin, nabigla yata silang kasama ako ng hari nila. Alam ba nilang mate ako ng hari?
Hinila ako ng hari, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi man lang niya pinansin ang pagbati ng iba sa kaniya, ganito ba talaga siya? Nang maka daan kami sa kanila ay parang wala akong narinig na isang katiting na salita o hininga man lang. Ganun ba sila katakot sa kaniya?
Napatingin ako sa unahan kong saan isang grupo na nakatayo isang table habang nakatitig sa amin, ang iba ay nakangiti at ang iba ay parang wala lang. Sa tingin ko doon kami papunta sa kanila.
Nang makarating kami sa mga nagkukumpulan agad silang yumuko sa harap ko i mean sa harap ng hari.
"Good morning your highness, a new human concubine?" Sabay tingin mula ulo hanggang paa. Ngumisi siya sa akin, gusto kong umirap sa sinabi niya sa akin. Sa tingin ko hindi pa alam ng lahat na mate niya ako pero grabe naman yata yung sinabi niyang concubine. Mukha ba akong kabet? Or like a flavor of the day? Pwede namang tawagin niya akong ka date ng hari or partner.
Titingnan ko lang siya ng seryoso. Hinintay ko ang hari na magsalita pero umiling lang ito. Tangina naman kahit pagsalita, may limit siya.
Lumapit sa akin ang isang babae, mukha itong mabait. Nakasuot lang ito kulay puti na damit, simple lang ito tingnan.
"I'm Claudia Salvatore and that's my mate," turo niya sa lalaking may dalang wine. Seryoso lang ito habang nakatingin sa kaniyang mate. Halos ba lahat ng bampira seryoso ang mukha? O talagang lahi talaga nila ang pagka seryoso.
Gwapo naman ang kaniyang mate pero bakit niya ba yan nagustuhan mukhang kakain ng tigre ng walang sa oras kagaya ng hari.
"And you are?" Lahat sila tumingin sa akin. Hinihintay ang sagot ko.
"M-mercy......"
"Mercy?" The girl asked beside her.
"J-jane Mercy," mahinang sabi ko. Ngumiti sa akin si Claudia.
"Are you his new concubine?" Napabaling ako sa nagsalita, may katabi siyang lalaki na naka akbay sa kaniya. Ngumisi ito sa akin bago ininom ang bitbit niyang wine.
YOU ARE READING
Bite Me
DiversosShe is Jane Mercy Mendoza, a college student. She is living to her tito, siblings of his dad. Her parents passed away when she was a kid. Jane life is so mess because no one loves her except for her friend, Shaine. Siya lang ang meron siya at takot...