Chapter 8

2 0 0
                                    


Nagising ako dahil ang ingay sa paligid.  Para silang nagtutulakan kung sino ang magsasalita. Gusto kong imulat ang aking mga mata pero talagang ina antok pa ako. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Unan? Bakit may unan sa veranda? Ang naalala ko natulog ako sa veranda habang umiiyak. Napamulat ako at tumagilid. Nasa higaan ako ngayon. Sinong nagpasok sa akin dito? Imposible namang siya ang nagdala sa akin.

"Ikaw nalang Lily."

"Sige na nga."

Anong oras na ba? Bakit ang ingay na ng paligid? Hindi naman siguro nila ako papatayin habang natutulog.

"Kamahalan?" Isang boses ng babae ang nagsalita.

Tingnan kong sino nagsalita. Isang babae naka suot ng puting damit hanggang paa at sa kwelyo na kulay asul. Para talaga siyang madre, devil nun. Maamo ang mukha niya at sobrang puti niya din. Kung makikita ko siya sa dilim baka tatakbo talaga ako.

Bumangon ako kaya doon ko nakita na may kasama pala siya, lima sila. Anong ginagawa nila dito? Papatayin na ba ako ng hari ngayon? Ito na ba ang revenge niya sa akin? Pero hindi naman sila mukhang suckers.

"A-anong kailangan niyo sa akin?"

Yumuko silang lima.

"Pinagbilin ng kamahalan sa amin na ayusan ka po." Napakunot ang noo ko. Aayusan? Bakit ibibitay niya na ba ako?

"Ayusan? Para saan?" Ngumiti ang isang maid sa akin.

"May pupuntahan po kayong pagtitipon kamahalan." Pagtitipon? Ano yun? Kakainin nila ako? Bigla akong kinabahan, kakatayin ako ng maraming bampira? Napalunok ako sa naisip ko, mas gusto ko pa talagang tumalon kesa katayin ng maraming bampira.

Tumikhim ang isa kanila kaya nabalik ako sa pag-iisip ko.

"Kumain po muna kayo kamahalan bago kapo namin aayusan." Tiningnan ko ang pagkain na binigay niya sa akin, wala bang pinagbago itlog, hotdog and beef steak. Wala ba silang stock na pagkain sa tao? O talagang wala silang kaalam alam na pagkain na tao. At isa pa bakit pa nila ako papakainin kong papatayin lang naman din ako.

Aayaw na sana ako sa pagkain ng biglang tumunog ang tiyan ko. Pinapahiya yata ako ng tiyan ko.

"S-salamat," mahinang sabi ko.

Susubo na sana ako ng masulyapan ko silang nakatingin sa akin. Ayoko talagang kumakain ako na may kaharap ako na hindi kumakain. Naaawa ako eh. Gusto ko silang pakainin din kaso baka hindi sila kumakain ng pagkaing tao.

"P-pwede bang tumalikod kayo?" Nahihiyang sabi ko. Tumango silang lima sa akin.

"Masusunod kamahalan," sabay sabi nila at tumalikod. Mukha silang army talagang nagsabay pang nakatalikod.

Tahimik lang akong kumain. Masarap naman ang pagkain, tao kaya nagluto nito o bampira?

Hanggang matapos akong kumain nakatalikod lang talaga sila at hindi gumalaw. Para silang robot.

"Pwede na kayo humarap sa akin," sabay silang humarap sa akin at yumuko. Lumapit sa akin ang isang babae at kinuha ang tray. Pagkakuha niya ay yumuko ito sa akin at lumabas. Apat nalang sila nasa harap ko.

"Papaliguan ka na namin kamahalan," napalaki ang mga mata ko. Ano? Papaliguan nila ako? Nababaliw ba sila? May kamay at paa ako, anong silbi ng kamay at paa ko? Ito ba ang tinuturo ng kanilang hari? Kahit babae sila ayoko pading paliguan nila ako. Kung ginawa man ito ng mga mate niya noon pwes ayoko.

Nandidiri ako ng iniisip na pinapaliguan siya ng kaniyang mistress.

Tumikhim ako at tumayo. "Kaya ko na sarili ko, ihanda niyo nalang yung damit ko." Sabi ko at pumasok sa cr.

Bite MeWhere stories live. Discover now