Nagising ako dahil sa ingay ng gilid ko, mukhang nahihirapan. Minulat ko ang mga mata ko, medyo blurd pa nakikita ko noong una pero agad kong kumurap ng ilang beses. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang katabi ko ngayon. Akala ko namalik mata lang ako. Anong ginagawa niya dito? Wala naman akong naalala na pumasok siya sa silid ah.Tiningnan ko siya ngayon na sobrang pawis, pupunasan ko sana ang pawis niya ng biglang may binulong siya.
"P-please......p-please don't leave me.....P-prima, p-please I'm begging you." Napalunok ako ng marinig ang sinabi niya. Ang swerte mo Prima dalawang tao ang nagmamahal sayo. Sana ganito pamilya ko pero hindi eh.
Ngayon ko lang naramdaman na nakadagan pala ang kamay niya sa bewang ko, nakayakap siya ngayon sa akin habang ang ulo ay nakasiksik sa leeg ko. Mukha siyang aso ngayon, ang sarap niyang videohan at ipakita sa mga ampon niya kung paano siya naging tuta.
Hinayaan ko lang siya sa posisyon namin ngayon baka magising kung tatanggalin ko pa ang braso niya. Sinuklay ko ang buhok niya, wala na akong narinig na bulong niya mukhang ayos na tulog niya. Totoo nga sinabi niya na ang mga bampira ay natutulog, sa nalalaman ko kasi hindi daw sila natutulog pero 2023 na ngayon kaya nag-iba talaga ang generation.
Sana ganito nalang siya at hindi na sana siya magising. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya itinulak siguro ganun lang talaga ako ka bait na tao.
Hindi ako makatulog ng maayos sa posisyon namin, malapit lang kasi ang mukha niya sa leeg ko at ang hininga niya at tumama sa leeg ko, nakikiliti ako. Pilit kong matulog pero ayaw padin ng sistema ko.
Bakit ba ang hilig niyang tumabi sa akin? Mukha ba akong bed comfort?
Pinikit ko nalang aking mga mata at haayan kung kailan ako makatulog.
Nagising ako na hindi alam ang oras, tumingin ako sa bintana. Hindi ko makita kung umaga na ba or gabi pa dahil sa kurtinang nakatakip nito. Ayaw ko ding tumayo dahil nakayakap padin sa akin ang halimaw at baka magising siya at kagatin na naman ako.
Tumingin ako sa kamay ko, napakunot ang noo ko ng wala ng kadena sa kamay ko. Hindi ko naramdaman na tinanggal ah pero napangiti nalang ako. Malaya na ako buti naman.
Ilang minuto ang pagtitig ko sa kisame ng maramdaman kong gumalaw siya. Medyo natanggal ang kamay niya na nasa bewang ko. Nakahinga ako ng maluwag, dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya para hindi magising. Nakahinga ako ng maayos ng matanggal na.
Dahan-dahan din akong bumaba sa higaan. Napatalon ako ng makababa ako sa higaan, ang lapit na nun ah.
Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtina. Ngumiti ako ng makita ang araw. Umaga na pala, bunaling ako sa bampirang natutulog ngayon na mahimbing ang tulog. Wala naman sigurong mali kung lalabas ako.
Huminga ako ng malalim bago naglakad patungo sa pinto. Wala naman sigurong bantay. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakahinga ako ng maluwag na wala akong bampira na nakita.
Lumabas ako at isinirado ang pinto.
Naglakad ako, hindi ko alam kung saan ako napadpad basta nakita ko nalang ang sarili ko na pumasok sa isang pinto. Napanganga ako ng makita ang nasa loob, isang malaking kwarto na may mga paintings. Malaki ang kwarto kumpara sa akin. Ang wallpaper nito ay ginto at pink. Ang ganda ng kwartong ito mukhang reyna talaga ang may ari nito.
Sino kaya ang may ari nito? Concubine? Nakasimangot ako, nahiya naman ako sa kwarto ko.
Naglakad ako malapit sa higaan, may maliit na table doon, alarm clock at isang frame.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, si Damien ang may kasama itong babae. Maganda ito, maamo ang mukha at maputi ang balat. Mukha siyang inosente. Kulay brown ang buhok nito at makulot. Sobrang ganda niya mas maganda pa ito kay Elizabeth, nahiya ang ganda ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Bite Me
RandomShe is Jane Mercy Mendoza, a college student. She is living to her tito, siblings of his dad. Her parents passed away when she was a kid. Jane life is so mess because no one loves her except for her friend, Shaine. Siya lang ang meron siya at takot...