Chapter 10

4 0 0
                                    


Tulala ako ngayon sa balcony ng kwarto ko, naiinis ako kanina dahil pagbalik ko ay agad akong hinila ng haring Damien. Mukha akong aso kanina na hila hila ng kaniyang amo. Hindi ko alam bakit kami umuwi ng maaga, hindi man lang ako nakain o naka inom man lang.

Sa mukha niya kanina mukhang may pinag-usapan sila na ikana inis niya. Mukha kasi siyang dragon kulang nalang bubuga ng apoy at sa tingin ko sa akin pa ibubuga ang galit niya.

Medyo takot ako sa kaniya pero alam kong hindi niya ako papatayin, he needs me.

Nakaupo ako ngayon sa railings ng balcony gusto ko lang damahin at langhapin ang malamig na simoy ng hangin.

Kamusta na kaya si Shaine? Hinahanap niya kaya ako? Kumain kaya yun? Kamusta nakaya din si tito, tita at si Aryan, hinahanap din ba nila ako? Umiiyak kaya sila ngayon? Napatawa ako sa naisip ko. Imposible naman sigurong umiyak at hanapin ako baka nga nagpaparty sila dahil sa pagkawala ako.

Inangat ko ang mukha at tiningnan ang malaking buwan, it's a full moon at ito ay kulay asul. Para lang akong nakatitig ngayon sa mata ni Damien. A cold eyes that there's no emotion pero sa loob pala doon may nagtatagong sakit.

Why do people—vampire good in hiding pain?

Tumingin ako sa baba, gusto kong tumalon at tumakas pero baka mahanap niya din ako. He is a vampire at tao lang ako wala akong magagawa. He is a king kaya madali niya lang akong mahanap. Nagmukha akong prinsesa sa ginagawa ko, hinihintay ang kaniyang prinsipe na iligtas siya.

"Sleep now human," napalingon ako ng may nagsalita. Bakit ba siya sumusulpot? Hindi niya ba alam ang privacy?

Nakaupo din siya sa railings, dalawang ruler ang pagitan namin. Mabuti yun dahil baka hindi na naman ako makahinga ng maayos.

"N-natutulog din ba kayo?" Mahinang sabi ko.

"Yes, you should sleep now." Hindi ko siya sinunod. Tiningnan ko lang ang buwan. I really want to go home.

"Can i ask kamahalan?" Hindi ko narinig ang pagtugon niya. Kahit kailan  ang over niya. Sana hindi na lang siya makapagsalita. Tsk!

"P-paano kung hindi mo pala ako mate? Paano kung nagkamali ka lang?"

Biglang tumahimik ang paligid, ang paggalaw ng dahon lang ang narinig ko.

"Then i will kill you," napalunok ako bigla. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tangina, papatayin niya agad? Hindi man lang bigyan ng chance i mean palayain. He is really heartless and ruthless. Paano ko siya paamuin kong ganito siya?

"C-can i go home? Gusto ko lang makita sila kung ayos lang ba sila." Mabigat na hininga ang pinakawalan ko. Hindi siya nagsalita kaya kinabahan ako bigla. Baka katayin niya ako, sana hindi ko nalang yun tinanong.

"For 10th time Mercy, this your home." Napakuyom ako sa kamao ko.

"C-can't you understand? I'm a human and i don't belong here!" Hindi ko mapigilang sumigaw. Akala ko itatapon niya ako o ihulog pero nakatitig lang siya sa akin, as usual walang emosyon.

Tumayo ito at bumaba sa railings at naglakad papunta sa likod ko. Itutulak niya ba ako?

Napalunok ako ng maramdaman ko ang ulo niya na ipinatong sa balikat ko. Ramdam ko ang hininga niya na tumama sa leeg ko na nagbibigay kiliti sa sistema ko. Amoy kudin ang pabango niya. Hindi ako nakahinga sa ginawa niya, kapag hihinga ako para isang napakamaling gagawin ko. Ang puso ko ay parang mas lalong nagwawala. Ayoko sa nararamdaman kong ito. I won't fall for his traps, never again.

"This where you belong Mercy, this your home, our home." He said in a husky voice.

Kinagat ko ang labi ko at pinikit ang aking mga mata bago nagsalita.

Bite MeWhere stories live. Discover now