Helliza
A year later....
"Karl. Bilisan mong maglakad, 'pag tayo nalate sa General meeting. Iteterminate agad tayo ni Bautista. Darating pa naman ngayon ang CEO."
"Tang'na! Akala ko ba hindi makakaratung ang Boss natin. Hindi pa ako handa sa presentation! Alam mo namang daig pa no'n si Dracula, malilintikan ako nito ni Bautista. Siguradong mawawalan ako ng trabaho kinabukasan." Halata sa boses ang pagkadismaya. Muntik pa nila ako mabangga sa pagmamadali nilang pumasok sa elevator at hindi nila ako napansin sa harap nila.
Nauna silang pumasok sa elevator kaya sumunod ako. Doon nila ako napansin. Tumikhim ang isang lalaking may katangkaran. Nagkatinginan pa sila ng kasama niya at nagsisikuhan.
"Hi, Miss. Bago ka lang ba rito?"
"Ako pala si Karl."
Nagbulungan ang dalawa sa likod ko nang hindi ako umimik. Actually, I can hear their whisper. Inayos ko ang puting long sleeve polo at maging ang Temporary pass ID.
Para akong sasabak sa giyera sa sobrang kaba. Mali yata ang desisyon kong tumapak dito. Kung makita ko man siya ngayon ay bahala na.
Paglabas ko ng elevator sa 52th floor ay may sumalubong sa aking babae in her mid thirties, Red lipstick, short haired, and of course, strict face.
"Miss Craig?"
Tumango ako. She looked at me head to toe and turned her back.
"Follow me."
Sumunod naman ako rito. Ilang empleyado ang napapatingin sa direksiyon namin, but I carelessly care. Pumasok siya sa isang glass door.
May ilang nauna na sa akin doon. May sari-sariling mundo ang mga ito. Hindi nga nila ako napansin na kakapasok lang.
Sinenyasan ako nang babaeng umupo na rin para makapagsimula na ito.
"Good Morning, Interns and welcome to Phython Company! My name is Vera Marquez, one of the deputy manager but I will be your supervisor during your internship. You know how big this company is. You guys are lucky enough to be chosen to have your internship here. If you did a good job here for 3 months, the company will definetly choose you to work here permanently. Before you enter here, you shoul know the vision and mission of this company, right."
Some of the interns agreed to Vera. It's true, this company is big and we're lucky to be here, kaya nakikita ko ang kaba at excitement nila na baka isa sa kanila ang manatili rito pagkatapos ng tatlong buwan. Bawat isang taon ay kumukuha sila ng interns at isa o dalawa ang napipili para manatili rito.
Pero ako ay walang pakialam kung manatili ako rito. I just want to finish my intern. Isang taon na akong nahuli at ngayon ko pa lang tatapusin ang internship.
Isang taon akong nawala, in short, naglaho akong parang bula at babalik na parang walang nangyari.
I used to laughed at myself, why I am doing this right now and why of other companies. Bakit dito ko pa napiling tapusin ang internship ko.
"We'll be out after 30 minutes. Darating ang CEO ngayon. Once a week ay dumadaan dito ang Company owner para mag inspection. I'll tour you guys in a while. Mapapadaan dito ang shareholders, In the meantime, I'll give you papers to read."
Binigyan kami ng company rules and regulation at ilang papel na ififill-up namin. Nagpaalam muna siya at iniwan kami sa meeting room. Babalik daw siya mamaya dahil may importante pa siyang aasikasuhan.
Ang ibang kasama kong inte ay nakahanap na ng kaibigan. Kung bibilang ay nasa sampo kami sa loob.
"Girl, kinabahan ako kay, Miss Vera kanina."
BINABASA MO ANG
Her Dauntless Eyes √
RomanceHelliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang siya nang ipatapon sa bundok na iyon. Helliza trained day and night to be strong and face her fears...