Athena"OKAY class. Dismiss."
Great!
Mabilis akong tumayo pagkalabas ng propesor namin. Inayos ko agad ang ipad kung saan ako nag-take note at ilang handouts na ginamit ko kanina. Nilagay iyon lahat sa bag at akmang lalabas na pero bigla may harang na bulto sa harap ko.
"Hi, Athena. Are you going home already," one of my blockmates asked. Ngumiti ako pabalik dahil ayokong magmukhang rude. Dalawa silang nakahatang sa may pinto.
"Athena. Sumabay ka na sa amin. We're hanging out sa cafeteria," the other girl said. Tatanggihan ko pa sana sila peromay lumapit na naman.
"Hey! Athena. Are you available tomorrow night?" tanong ng matangkad na lalaki. Gwapo siya pero mukhang playboy. May isa na namang sumulpot at inakbayan yung mukhang playboy.
"Athena. Can I invite you tonight. It's a party ...at my house," tanong niya agad.
Tulad ng dati ay sinabi kong may lakad akong importante. Pero ang totoo pupuntahan ko si Alyssa para sabay kaming kumain ngayon. Tinalikuran ko agad sila at baka may humabol pa.
"Brat." I heard when I already turned my back.
"I hate her. Bait baitan."
"Demetrius lang, mayabang na."
"Maganda sana siyang paglaruan ."
I ignore them, they aren't worth my time.
Naglakad ako papuntang Business Bldg. habang naglalakad ay bumabati sa akin ang ilang studyante. Nang makarating ay hinanap ko ang BM Room33. Alam ko ang schedule ni Alyssa ngayon.
Sumilip ako sa bintana ng room nila pero walang tao sa loob. Mukhang wala silang klase. Napansin kong may petite na babae ang lumabas sa may pinto.
Lumapit ako sa kanya.
"Hi," bati ko agad 'saka siya nginitian.
"Miss Athena! Hello po!" gulat ang reaksiyon niya nang makita ako.
"Um. Kaklase ka ba ni Alyssa? Can I ask kung nakita mo siya?"
"Ah. Classmate po kami ngayon sa isang subject pero wala si Prof. Hindi ko rin siya nakita eh," sabi niya habang nagkakamot pa ng batok niya.
"I see. What's your name," I asks.
"uhh.. Jean po."
"Thank you, Jean. Sige," I waved at her.
Kumaway rin siya pabalik at mukhang naistarstruck pa sa akin.
Umuwi na kaya si Alyssa?
I tried ringing her phone but it was unattended. Wala naman siyang work today MWF lang siya sa BRC.
BINABASA MO ANG
Her Dauntless Eyes √
RomanceHelliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang siya nang ipatapon sa bundok na iyon. Helliza trained day and night to be strong and face her fears...