Kabanata 26.2

233 11 0
                                    

And Aphrodite was shocked to learn that it was a little girl or she is not even dying for her to donate her cornea. Dahil bata pa ay kailangan ng consent ng magulang.

She was tempted, yes. Pero tinanggihan ni Aphrodite iyon. Hindi nito kayang isakripisyo ang paningin ng batang 'yon para lang mabuhay ang anak sa liwanag at mamuhay naman ito sa dilim. Aphrodite knew how Hades struggle in darkness.

Isang araw pa ang lumipas ay mas lumala na ang dinanas ni Hades sa loob ng ICU. Kailangan na raw itong maoperahan sa lalong madaling panahon.

Oo nga't magaling na surgeon si Aphrodite pero hindi nito kayang gawin ang pag - opera sa anak dahil maliit lang ang tyansa lalo na't nakasalalay ang buhay nito.

Kung walang donor ay tuluyan nang mawawalan ng paningin ang anak.

Inilipad ni Aphrodite ang anak sa ibang bansa. Isang magaling na scientist at Doctor ang sumuri sa anak. Ngunit kailan pa rin daw ng Donor nito. Kahit daw tanggalin ang mata ay maaari raw na bumalik muli ang sakit na 'yon.

Halos maglupasay na si Aphrodite sa sobrang paghihirap ng loob. Hindi niya kayang bitawan ang anak. Hindi pa niya kayang mawala ito. Nagpasalamat nalang ito at naroon ang dalawang kaibigan para damayan siya.

Isang umaga ay nakatanggap ito tawag. May donor na raw ngunit gusto raw itong makausap ng personal at mag - isa ng guardian ng magdo-donate. She obliged and she's desperate.

Agad naman pumayag ang magandang Doktora sa pag - asang baka iyon na ang makakatulong sa anak.

Ang Guardian na 'yon ay walang iba kun'di si Don Apollo. Namangha si Aphrodite nang makaharap ito sa personal. Matagal na silang hindi nagkita. She knew the old man dahil ang kaibigan nitong si Natalia Yves ay pinakasalan ang nag-iisang anak ng Don.

But what she didn't know is, may apo pala itong babae. Ang alam nito ay nag-iisa lamang ang anak nilang lalaki, na kaedad lamang ng nitong si Hades.

Paano nailihim ng Don ang bagay na 'yon sa lahat. Pero dahil wala ito sa sitwasyon para magtanong ay nanahimik na lang ito.

At doon na nagsimula ang kasunduan nila ni Don Apollo Mallari.

Hindi raw nais ng Don na ibigay ang cornea ng apo ngunit 'yon daw ang kagustuhan ng bata. Hindi alam ng Doktora kung bakit ito pumayag sa kagustuhan ng apo nito pwede naman itong tumanggi dahil bata pa ang apo. Wala pa sa gulang para mag - isip ng maayos at magdesisyon.

Doon nito naalala na ang batang iyon din pala ang tinutukoy ng isang empleyado noon. The little girl is determined to help her son, Hades, but why?

Dahil desperada na si Aphrodite pumayag ito. Sinabi nitong buong buhay sna magpapasalamat sa batang iyon.

Ngunit may idinagdag ang Don.

" Only, I have a condition. The surgery is not going to be held here. Let's fly back to El Passero."

Aphrodite freezed in her seat. Her mind refused because that place is a hell for her. That country is hell.

She used to lived there with her son, pero noon iyon. Itinakas nito ang anak sa bansang iyon. She promised to never stepped her feet in that land.

Her Dauntless Eyes √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon