Nakasilip pa ang liwanag sa labas ngunit nakabukas na lahat ng ilaw sa buong Hotel.
Nakatayo lamang ako sa labas ng entrada ng Hotel at hinihintay si Richard. Nagpaalam akong hihintayin siya sa labas. Bago ako lumabas kanina ay narinig kong inaalok siya ni Don Apollo ng trabaho.
Hindi pa man nangangalay ang paa sa pagtayo ay nakaramdam na ako ng kakaibang presensiya mula sa likod ko. Hindi iyon panganib pero sa tuwing ganito ang mararamdaman ko ay alam ko na kung sino iyon.
Humarap ko sa taong inaasahan ko nang nasa likod ko.
Nagsalubong ang mata namin at hindi ko maiwasang kabahan na naman. Pinanatili ko ang blankong mukha.
"What are you doing here?"
Is he asking me being here o kung bakit ako nakatayo rito?
Hindi ako manghuhula but I answered him directly.
"Sinamahan ko lang ang kaibigan ko."
"Friend, huh."
Napataas kilay ako sa tinuran niya.
"Wala ka bang pasok sa trabaho ngayon?"
"Off ko ngayon. It's saturday, just so you know," paalala ko. Nakalimutan niya 'atang hindi ako regular employee at intern lang ako.
Mukhang nakuha naman niya ang sinasabi ko. He moved his head on the left, he must be occupied this days.
What I didn't expect was he came near and I was so stunned to moved away. He rest his head on my shoulder habang ang isang kamay ay hawak ang braso ko para kumuha ng suporta.
Nahihilo ba siya? Should I ask?
Pero normal naman ang paghinga niya. Bago ko pa siya tanungin kung anong problema ay nakarinig kami ng pagtawag sa pangalan niya palapit sa entrada ng hotel kung saan din kami lumabas kanina.
Nagulat ako dahil bigla akong hinila ni Hades sa may halaman. Tinatawag pa rin siya ng babaeng iyon. Maaaring hinahanap na siya sa loob dahil kanina pa ito wala.
Nakita ko ang fiancee niya na hinahanap siya sa paligid. Pero dahil mataas ang halaman kung saan kami nakatago ay hindi niya kami madaling mapapansin. Sumuko na 'ata ang babae kaya bumalik na ito sa loob ng hotel.
Ngunit si Hades ay nanatiling yakap ako ng mahigpit. We didn't dare to say anything, only silence gave us the answer to what is happening between us.
SLEEPLESS night. Hirap akong makatulog nitong mga nakaraang araw. Tatlong linggo na lang ay matatapos na ang internship ko.
Hays.
"My daugther, breakfast is ready!"
Nagulat ako dahil paglabas ko ng kwarto ay si Tito Z na naman ang sumalubong ng umaga ko. He was smiling ear to ear, again. I scolded him many times not to come here and cook me a breakfast. Ngunit talagang pareho sila ni Zeus, makulit.
"Tito, didn't I tell you, you don't have to do this."
Umupo ako sa Island counter. Inihanda agad niya ang pagkain sa harap ko.
"Of course! I can unless pumayag kang i-enroll kita sa cooking class, Helliza."
Umiling ako at sumubo muna ng bacon.
"It's just a waste of time."
"You'll need to know how to cook, my princess. Someday, you'll marry a man and you will serve him like a wife," he dreamily said.
Umismid ako na kinasimangot niya. Nakita ko sa mata niya ang pagkadismaya. He wanted me to act like a damsel in distress in any ways. Ugh! Can't even imagine, dressing up and acting feminine infront of others.
After, arguing with Tito Z ay umalis na siya dahil may pasok pa ito sa trabaho. He doesn't mind being late because he own the company.
Habang naghahanda sa pagpasok sa trabaho ay sumagi na naman sa isip ko ang huling sinabi ni Hades nang huli kaming magkita.
"I courted you before you ghosted me. Now that you're back. When will you give me your answer?"
I didn't get the chance to answer him because I was nervous.
"I'll give you a week," he said.
And today is friday. Am I supposed to give him the answer to his question?
"Alyssa, tapos ko na iyong pinapagawa ni Ma'am Vera. Mukhang maaga ang out natin ngayon," sabi ni Rich nang lumapit sa tabi ko. "Gusto mong magwindow shopping tayo sa Mall. May item akong binabalikan sa shop na gusto ko kaya hindi ko mabili kasi hinihintaynko 'yung sale, girl, ano 'tara?
Nag-isip muna ako nang ilang segundo bago sumang-ayon.
"It's fine with me."
"Great! Magpapaalam na rin ako kay Ma'am Vera kung pwede na tayo mag-out!"
Nagmamadali siyang tumayo at dumiretso sa opisina ni Miss Vera. Sinundan ko lang siya nang tingin pero may iba akong iniisip.
Mas mabuti na rin na umoo ako. Nakasanayan ko ng umiwas sa mga bagay na dapat hinaharap ko. Para bang hindi ko kayang harapin ang dapat na mangyayari mamaya. Wala naman akong kinatatakutan, or it was just I thought. Wala akong lakas ng loob para harapin si Hades ngayon. Because, I know deep inside me I'm a coward infront of him.
Pagkatapos kaming payagan ni Miss Vera ay nag-ayos na kami ng gamit at dumiretso na sa elevator. Ang dalawa naming kasama ay abala parin sa pag-iinput. Bago kami umalis ay hindi pinaplagpas ni Rich at pinaringgan ang dalawa na nag-early out na kami dahil maaga kaming natapos.
Naghihintay na kami sa pagbukas ng elevator ay panay pa rin ang tawa ni Rich dahil nainis na naman niya ang dalawa. Bumukas na elevator ngunit papasok na sana ako nang magtama ang mata naming ni Hades. He was as if expecting me.
"Hi, sir! Pauwi na kayo. Kami rin pinag-early out na kami ni Ma'am Vera," masayang batinni Rich kay Hades. Mag-isa lang nito sa loob kaya mas lalong nailang ako.
At naaalala ko lang ang sinabi ni Rich na natatakot siya kay Hades. Bakit ngayon ay parang hindi ko iyon makita sa kanya. He's really something e.
Tuluyan na akong pumasok at syempre pinili ko ang gilid at nasa gitna namin si Rich na parang okay lang naman sa kanya.
Ang sumunod na nangyari ang kinagulat ko.
"Are you two going somewhere?"
Pasimple akong sumilip sa likod dahil baka may iba pa kaming kasama, but no. I don't think Hades is so friendly to make a chat. Imported na tao lang ang alam kong gusto niyang kausap.
Maging si Rich ay natameme sa tanong ni Hades. Hindi rin niya inaasahan na magsasalita o kakausapan siya nito.
"Ah e, sir, we're ano ah. We are going to the mall, you know, window shopping," awkward pang sagot niya.
"Elysian Mall?" Hades simply asked.
"Yes, sir!" at parang sasabak sa gyera na sagot naman ni Rich.
"Good. I'm on my way there. You can ride with me."
Napataas kilay ako. While Rich still thinking what is going on. Siniko niya ako.
And what does he expect me to say? You can't say no to a King of underworld.
BINABASA MO ANG
Her Dauntless Eyes √
RomanceHelliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang siya nang ipatapon sa bundok na iyon. Helliza trained day and night to be strong and face her fears...