ISANG galit na hindi katandaang lalaki ang pumasok sa pribadong opisina ng abogadong si Arthur Lucio. Nagulat ang abogado dahil sa walang babala nitong binuksan ng pinto ng opisina nito.
Tinignan ng abogado ang taong walang respeto na pumasok sa opisina nito.
"Mr. Marquez, you should knock before you go inside someone's office. Not just barge in like you own the place," ani ng abogado sa lalaki.
"You don't have the right to talk to me like that!" matapang sa sagot nito sa abogado.
Alam ng abogado kung ano ang rason kung bakit ito naririto ngayon sa harap nito.
"Just tell me why your here, Mr. Marquez," pinanatili ng abogado ang pagiging mahinahon nito.
"Matapang ka pa rin, Arthur. Nakakalimutan mo ata'ng kaya kitang paalisin sa posisyon mo ngayon. Don't forget I'm still the CEO here. I can fire you any time I want," may babala pang binitawan.
Palihim na umangat ang sulok ng labi ng abogado dahil sa sinabi ng kaharap.
Hindi nakaramdam ng kahit na anong takot ang abogado. Nanatili itong nakatingin sa unwanted visitor.
"I told you to sue that kid who damages my daughter's car. I bought the car and it cost me millions. I'm paying you to do your job, Attorney," malakas pa nitong hinampas ang lamesa ng abogado.
Mukhang lumaki na ang ulo ng tumatayong CEO.
Ito 'ata ang nakakalimot na pera ng mga Mallari ang ginagamit nito. Lalo na ang sinasabi nitong pinapasweldo sa matandang abogado. Inaangkin nito ang bagay na wala naman kahit isa siyang karapatan.
Nais umiling ni Arthur Lucio sa kanyang narinig.
"Hindi mo ako pinapasweldo, Mr. Marquez. Ang pinapautos mo ay lagpas na sa trabaho ko. Lawyer ako ng Company at hindi ng mga Marquez. Tandaan mo iyan," may diin ang bawat salitang binitiwan. Si Marco Marquez ay nanatiling galit at masama ang tingin sa abogado.
"Abogado ka lang ni Papa. Wala na sila kaya ibig sabihin nasa akin na rin ang kapangyarihan para bigyan ka ng kahit anong utos Arthur," matapang pa itong sumagot.
Animo may karapatan pang tawaging Papa si Don Apollo. Nais palakpakan ng abogado ang lalaki.
Hindi akalain ng abogado na maiiwan sa pamamahala ng kompanya sa ampon ni Doña Esmeralda. Hindi lubos maisip ng abogado kung anong iniisip ng Don noong panahong iyon.
Nang mawala si Don Apollo ay binuksan nito ang envelop na naglalaman ng lastwill and testament nito sa harap ng tatlong Marquez. Nasa mukha nila noon ang kaba at tuwa. Kaba na baka wala silang kahit na makuha ni kusing sa namayapang Don at saya dahil maaangkin nila ang inaasam na yaman at kapangyarihan.
Legal ang document hawak nito noon. Dahil ang abogado mismo ang nag file niyon.
Maiiwan sa pamamahala ng kompanya kay Marco Marquez. Si Arthur Lucio bilang company Lawyer at Family Lawyer ng Mallari ay mananatili sa kompanya hanggang nabubuhay ito at hindi maaring mapatalsik ng sino man sa loob ng kompanya. Si Arthur Lucio ang pipirma at aaproba sa lahat ng transaksyon ng CEO ng kompanya.
Maaari rin itong magdesisyon para sa ikakaayos ng kompanya. Ang asawa at anak ni Marco ay walang makukuha kahit singko maliban sa sariling pera ni Marco Marquez. Ang pamilya ay hindi maaaring tumira sa Mansion ng mga Mallari.
Maaari silang tumira sa pag-aari ng mga Mallari sa isang pribadong subdibisyon. Ang ibang ari-arian at kita ng kompanya ay mapupunta sa isang charity foundation.
Matindi ang reaksyon noon ng asawa ni Mr. Marquez. Animo malaki ang karapatan sa kayamanan ng Mallari dahil nagpa - party pa ito noon sa loob ng Mansyon ng Mallari bago mabasa ang Last will ng yumaong matanda.
BINABASA MO ANG
Her Dauntless Eyes √
RomanceHelliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang siya nang ipatapon sa bundok na iyon. Helliza trained day and night to be strong and face her fears...