Paglabas ko sa gate ng unibersidad ay bumungad sa akin ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Karamihan pa ay mga babaeng malilakas ang pagtili.
Lalagpas na sana ako nang makilala ang lalaking abala sa pagtingin sa relo niya.
Hades stood beside his expensive car, regally. Walang emosyon ang mukha niya habang may hinahanap ang mata niya sa mga taong pilit na kinukuha ang atensiyon niya. Halatang kanina pa siyang roon.
Napangiti ako ng bahagya. Paano niya nagagawang maging kalmante sa mga babaeng nagpapansin sa harap. Aatras na sana ako pero nagtama ang mata namin. Huli na para umiwas ako dahil humakbang ang mga paa niya patungo sa direksiyon ko. Masama ang timpla ng mukha niya.
Akala ko ay narito siya para sunduin si Athena. At parang gusto ko siyang pigilan sa paglapit sa akin dahil nakukuha ko na ang atensiyon ng lahat sa paglapit niya.
Hindi ko na sinalubong ang mga tingin ng mga babaeng hibang sa atensiyon niya dahil nararamdaman ko na ang pangigigil nila.
"I waited for 30 minutes, I though you already left." At parang sinisisi pa niya ako na naghintay siya ng kalahating oras. Malay ko bang pupunta siya rito at gagawa ng eksena sa harap ng university nila.
"Dapat ay nagtext ka muna bago punta rito. Ang hirap tuloy dumaan dahil nandito ka."
Hinila niya ako papunta sa kotse niya. Hindi na ako nagreklamo dahil talagang malapit na akong itapon sa ilog pasig ng mga babaeng kanina pa ako minumura.
"Why are you here?" tanong ko agad pagkasakay niya. Pinaandar muna niya ang sasakyan paalis sa unibersidad bago niya ako sinagot.
"I just want to see you."
I didn't expect for him to be honest. Hindi naman ako nakasagot. Inilipat ko ang tingin sa labas.
Dinala niya ako sa isang restaurant. Nang pumasok kami sa loob ay siya ang nagkusang mag-order ng pagkain. Alam niya atang kahit ano ay kinakain ko.
Wala pa ang order namin ay pinanuod ko ang bawat galaw niya. Mukhang wala naman itong pakialam dahil busy siya sa pagtipa sa cellphone niya.
Halatang marami pa siyang trabahong iniwan dahil minu-minutong nagba-vibrate ang cellphone niya.
Dumating na ang pagkain namin ay saka niya ibinaba ang hawak na cellphone. He ordered 4 dishes. Inasikaso niya ang paglalagay ng pagkain sa harap ko bago siya humarap sa sariling plato.
Something kick in with me. Guilt.
Bloody hell!
Humigpit ang hawak ko sa tinidor at mariing napapikit.
"What's wrong?" he asked. I felt the concern in his voice. Nakapikit pa rin ako at alam kong oras na hindi ako sumagot ay lalapitan niya ako sa kinauupuan na ayokong mangyari.
"Wala. Sumakit lang ang ulo ko."
Nagmulat ako ng mata nang hindi nag-aangat ng tingin sa kanya. Kumain ako habang nararamdaman ko ang nagdududang tingin niya.
Ilang sandaling katahimikan ay nagsalita siya.
"When you found me in the forest that day, where you already leaving alone?"
Bigla akong napatingin sa kanya. Nakasalubong ko ang itim niyang mata.
"No."
"Why? Why are you there alone?"
"D-Dahil gusto kong mapag-isa kaya ako pumunta roon." Unti-unti ay hindi na malasahan ang kinakain ko. Bakit parang pakiramdam ko ay may alam siya at natatakot akong magtanong
"Are you really adopted by the Zenith? Because you don't have there surname attached to your name."
"I was not." Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba rito ang totoo. Lies after Lies. "Zeus, is my cousin."
Stop eating and looked at me if I was telling the truth then he nodded after.
I thought he is going to asked me, my name but he didn't.
Pagkatapos naming kumain ay madilim na sa labas. Akala ko ay ihahatid niya ako pauwi pero dinala niya ako sa mataas na lugar. Full of city lights. It was my first time to see this.
Parang nailabas ko lahat ng hinanakit ko sa mga nagdaang araw. I would cry if I can but, I never cried since the day my parents died.
"It's one of my favorite place. This spot is my comfort zone. You know, I was partially blind when I was young."
Partially blind? Is he...
"I started to like this place the first time I saw the world again. Funny, because I thought the first thing I will see is you," he turned his head to look at me.
Guilt again. How can I leave this man?
Araw-araw ay parang may nakasunod na tinik sa dibdib ko. Kung bakit kailangan kong sundin ang utos ng matanda. Gusto kong tanungin sa sarili, maaari ko ba iyong suwayin?
Napalunok ako, napaiwas.
"To be honest, I hated you for not being there. You promised you'll be with me during my surgery. I was smiling expecting you, your face, your smile," a sarcastic smile left his lips. "Then, I realized you're here now. I'll forgive you this time. But don't ever break my trust again."
Nanginginig ang kamay ko. Bakit kailangan pa niyang sabihin iyon, sa araw na ito.
Sa araw na kailangan kong magdesisyon.
"H-Hindi ko kasi alam kung saang hospital ka dinala. Sinundo na ako ni Tito Z noon kaya hindi ako nakasunod."
"I figured. Sa amerika ako naoperahan, naisip ko na rin na hindi ka makakasunod. I-I looked for you, you know."
He extended his hand and pull me into a hug. Napalunok ako.
"Promise me again. You'll never leave my sight."
Hinatid niya ako sa harap ng Ztower. Nagpaalam siyang babalik sa kompanya dahil marami pa raw siyang aasikasuhin papeles.
But, before he left, he kissed me on the forehead. Nanigas ako sa kinatatyuan and he said, "Don't meet others guys except me."
Did I fall inlove with him?
Tinanaw ko ang pag-alis ng sasakyan niya saka ako tumalikod sa pagtanaw. Ngunit hindi ko inaasahang makikita ang nakapamulsang si Zeus.
I don't know how long he was there. Lumapit ako sa kanya. He handed me a piece of paper. And my head ache started to kill my nerves.
Tiningala ko ang kalangitan, walang kahit isang bituin akong makita 'saka naglabas ng mamalim na buntong hininga.
"Sorry, Hell." Zues whispered. He can't do anything anyway.
"Everything is ready," he added.
Sabay kaming naglakad papasok sa gusali.
H E R A
×× sorry, boring ng chapter na 'to ××
BINABASA MO ANG
Her Dauntless Eyes √
عاطفيةHelliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang siya nang ipatapon sa bundok na iyon. Helliza trained day and night to be strong and face her fears...