Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.Pagkatapos ay inamoy - amoy ko siya na parang aso. Nakarating ako sa leeg niya. Doon ko isinubsob ang mukha. Hindi ko alam pero naaadik ako sa amoy niya. Bakit ang bango - bango niya?
Hinawakan ko siya sa dibdib pababa. Matigas. Ilan kaya ang abs na meron siya. Humikab ako.
I heard curses.
Hinawakan niya ako sa.kamay para ilayo sa kanya.
"What are you doing?!" pagalit na sabi niya sa akin. May pagkataranta sa mukha.
Yumuko ako na parang nasakatan sa pagsigaw niya.
"Shit! It's not what I-I- uhm..-shit! -I'm sorry." he stuttered. He didn't know what to do. He looked so confuse right now. Huminga pa siya ng malalim.
"Sorry," he repeated. Like he was sorry he shouted at me.
"Okay," I beamed and hug him tight again. Nanigas siya pero hindi na muling nagprotesta.
"Are you always like this when you're sick?" Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko naman maintidihan ang sinasabi niya.
Isinubsob ko ang mukha sa leeg niya at inamoy amoy siya ro'n. Narinig ko pa ang paglunok niya kaya napangiti ako. Para akong gising pero tulog.
Narinig kong may nagbukas ng pinto pero hindi ako lumingon.
"Sir Ha - Ayy! Naku, Sorry Sir!" akma sigurong lalabas nang pigilan siya ni Hades.
"C-Call the Doctor, faster."
"S-Sige po, Sir Hades." Nagmamadaling lumabas ang nurse at mabilis na isinara ang pinto ng kwarto.
Iniayos ni Hades ang posisyon ko sa kama. Hindi ko namalayang pati ang dalawang paa ko ay nakayakap na sa bewang niya. Kaya siguro na eskandalo ang taong pumasok kanina.
Nagkamot siya ng noo nang hindi niya maalis ang kamay kong nakayakap sa leeg niya.
"C'mon, the Doctor will be here," Umiling ako.
He sighed. Sumuko naman siya sa pagtanggal ng braso ko sa leeg niya.
"Okay. You can hug me once the Doctor is out, Okay. You can just hold my hand for now," aniya na parang bata ang kausap.
I smiled at him. At sunod - sunod na tumango. Bumitaw agad ako rito na parang masunuring bata. Inayos niya ang pagkakaupo ko sa kama at hinila ang kumot hanggang sa bewang.
Nang matapos siya ay inagaw ko ang kamay niya na akmang ilalagay sa bulsa. Pinagsiklop ko iyon at tumingin sa pinto. Hinihintay ang pagpasok ng Doctor para matapos na at mayakap ko uli siya.
Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin. Ilang sandali ay pumasok na binatang Doctor.
Lumapit siya. Napatingin din sa magkasiklop na kamay namin ni Hades.
"Good afternoon, Mr. Saavedra," bati niya kay Hades kapagkuwan ay nginitian naman ako.
Tinignan niya ang swero sa kanang kamay ko. May swero pala ako ro'n na hindi ko napansin. Mabuti na lang at hindi natanggal nang yakapin ko si Hades.
Tinanong ako ng Doctor kung ano ang nararamdaman ko at kung may masakit pa ba sa akin. Tumatango lang ako at umiiling sa ilang tanong niya. Napahikap na naman ako.
"I think the patient is okay now, Mr. Saavedra. I think she's still halfsleep. Ilang oras lang ng pahinga ay mawawala na rin nang tuluyan ang migraine niya. Wala na rin ang lagnat niya. Iwasan muna niya ang pagbabad sa araw o kung ano man na pwedeng magptrigger ng migraine niya. Kaya siguro siya nakaramdam ng pagsusuka at pagkahilo. Iwasan muna niya ang matatamis tulad ng chocolates, malamig tulad ng icecrean o ng pagkain na may flavor enhancer at ng mga pagkain na may nitrates. Puntahan mo ako sa opisina at ibibigay ko sayo ang listahan at reseta niya."
BINABASA MO ANG
Her Dauntless Eyes √
RomanceHelliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang siya nang ipatapon sa bundok na iyon. Helliza trained day and night to be strong and face her fears...