Tutok na tutok ang mata ko sa telebisyon. Nakataas din ang dalawa kong paa sa coffee table.
Komportable lang ako roon at hindi ko na namalayan ang oras, madilim na sa labas. I just sit there and watch while I eat this junk foods. Damn! Why don't I have a talent in cooking?!
Narinig ko ang tunog ng pag-punch ng security code sa pinto ng condo. Dumating na ang Hari.
Sa peripheral vision ay nakita ko siyang pumasok ngunit hindi ko siya binalingan. My eyes remained on the front.
Ilang sandali ay naramdaman ko ang yabag niya papunta sa kitchen counter. Narinig ko ang kalansing ng mga gamit. Naglilinis siya.
Napakamot na lang ako sa leeg para itago ang hiya. Nakalimutan ko pa lang linisin ang mga kinalat ko kanina. Sinubukan ko kasing magprito ng itlog, sad to say, I'm really really worse at cooking.
Ilang sandali ay nagulat na lang ako na nasa gilid ko na siya. Natapon tuloy ang chips na kinakain ko sa leather sofa.
Nakapameywang siya at base sa pagsalubong ng kilay ay gusto niya akong sitahin. Ngunit hindi niya ginawa bagkus ay lumuhod siya at nagsimulang linisin ang mga kalat ko.
Napansin kong maging ang mamahalin niyang carpet ay nagkalat ang mga pinagbalatan ko, idagdag pa ang mamahalin niyang noguchi coffee table. Ibinaba ko ang paa mula roon 'saka umayos ng upo.
Nang matapos ay sinundan ko siya ng tingin. Wala pa rin siyang imik.
Tinanggal niya ang suit at pinatong iyon sa high chair. Niluwagan ang necktie sa leeg na parang hindi na makahinga.
Ilang oras ko pang nilibang ang sarili sa panonood, palipatlipat lang ng palabas. Kumalam ang sikmura ko nang may maamoy.
I turned around just to realized Hades is cooking with his white longsleeve. Hindi pa siya nakapagpalit ng damit niya.
Pinatay ko ang telebisyon at lumapit sa island counter.
Nangalumbaba ako sa mesa habang pinapanood siyang magluto ng chicken curry.
Naglagay siya ng plato sa harap ko. Wala akong ginawa kun'di pagmasdan siyang pagsilbihan ko. Gusto ko na ngang matawa sa oras na iyon. Sigurado akong mamamangha si Zues kapag ikinwento ko rito na pinagsilbihan ako ng isang Hari ..ng Hudas.
Nilagyan niya ng kanin ang plato ko, kulang na lang subuan niya ako. Ito na rin mismo ang naglagay ng tubig ko sa baso. Pati ang gamot ko ay itinabi rin sa harap ko. Kumuha ako ng ulam na niluto niya.
Mukhang alam niyang hindi ako kumain kanina.
"You should have ordered some food. I didn't left the money for you to buy crap-- junk foods," aniya na may halong disgusto.
Muntik na akong mapaismid.
"Sorry. Hindi ko kasi alam ang delivery number ng mga fastfood o restaurant. Bumili na lang ako diyan sa convenience store sa baba. Babayaran ko na lang sayo 'yon."
He put both of his hands on the island counter then looked at me like I was a crazy person infront of him.
"Forget about the money. This building is owned by your brother, you can request the staff for food or tell them you know me."
BINABASA MO ANG
Her Dauntless Eyes √
RomantikHelliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang siya nang ipatapon sa bundok na iyon. Helliza trained day and night to be strong and face her fears...