OBSESSION V
"A-ano pong ibig niyong sabi--
"Oh c'mon! Stop playing me around Elinita. Kilala ko ang mga babaeng kagaya mo at lahat sila... Iisa lang ang pakay" Ngumisi siya sakin
Napahawak siya sa labi niya habang ako ay tulala lang na nakatitig sakanya at parang pinoproseso ang sinabi niya
"I know and I can smell that you want to get in to our family--
"Hindi po totoo yan!" Napatayo ako habang nanginginig. Tumawa siya ng mapanuya sa akin na para bang iniinsulto ako
"Don't be so defensive. I saw you fl*rting with my cousin earlier and he even kissed you" Hindi ako makapagsalita. Parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko. Namanhid ang katawan ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin
"N-nagtanong lang naman po siya at saka di ko naman po alam na hahalikan niya po ako ng ganun ganun nalang---
"Why so defensive? Hindi mo ko maloloko Elinita. Maraming babae na ang kilala ko at dumaan sa ganyan, they're too desperate to get some money in to our family at lahat sila... Hindi nagtagumpay" Napakuyom ang mga kamao ko bago nagngi ngitngit sa galit.
"Pwes wag po ninyo akong itulad sa ibang babae na unang nakilala niyo dahil iba po ako!" Tumawa siya saka malamig akong tiningnan
"Iba ka? Oh really? Sabagay, kinuha mo nga ang pagkakataon na makapasok sa mansyon namin gamit ang kaibigan mo... Tell me, magkano ang kailangan niyo? Kase sa hinuha ko mga mukha kayong pera" Napatayo ako at hinampas ko ang mesa habang naluluhang tinitigan siya.
"Teka lang ah?! Sumosobra ka na! Grabe ka makapagsalita nakakanginig ka sa galit alam mo ba yun?! Malamang hindi kase wala ka namang pakialam kahit na may masaktan pa sa mga pinagsasasabi mo! D-dinamay mo pa ang kaibigan ko--
"Don't raise your voice at me woman. You don't know who reall---
"At bakit po hindi? Dahil isa kayong Montillan? Dahil mayaman kayo? Dahil may pera kayo? Pwes wala po akong pakialam--
"It's okay... Defend yourself as much as you can... But put this one on your little brain Elinita" Dahan dahan siyang tumayo habang nakapamulsa at walang emosyon akong tinitigan
"I won't allow you to enter into our family. Dream on... My cousin Isaiah is just playing you around. Wag kang mangarap na gusto ka niya. He's a playboy and he just want you in his bed yun lang... Masyado ka atang naging masaya at maski ang pinsan kong si Salvo pinatos mo na rin... I saw you in his office earlier so don't tell me hindi ka pa desperada sa lagay na---
Hindi ako nakapagtimpi at agad na siyang sinugod at sinampal.
Napatingin ang ibang mga customers sa gawi namin at natigil sa pagkain.
"Sobra ka na Mr. Montillan! Kung makapagsalita ka parang kilalang kilala mo na ko! Bakit? Alam mo ba kung bakit nandon ako sa opisina ng pinsan mo? Nag aapply ako ng trabaho Lucas! Naghahanap ako ng trabaho dahil kailangan kong bayaran ang lahat ng utang ng mga magulang ko sa probinsiya. Anong alam mo sa buhay ko at kung makapagsalita ka ng ganyan parang may kasalanan ako sayo?!"
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nalaman ko iyon nang mapansing humikbi na ko.
"Naghahanap ako ng matinong trabaho Lucas. Wala kang alam sa lahat kundi manghusga kaya sa susunod manahimik ka nalang..." Humina ang tinig ko bago nanginginig na kinuha ang bag ko saka agad na tumakbo paalis ng restaurant.
Nanginginig ako habang panay ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Marahas ko itong pinunasan. Mabilis akong naglakad at nang makaabot na ko sa lugar na walang tao ay doon ako napaupo at agad na napayuko
BINABASA MO ANG
Lucas Obsession
Romance"The day I laid my eyes on you is the day I claimed you as mine" - Lucas Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest