OBSESSION II
"So iha what's your current work right now?" Biglang tanong sakin ni ma'am Jenica. Napatigil ako sa pagkain at pasimple siyang nginitian
"Nag email po kase yung kompanya na pinag aaplayan ko po dito sa Maynila kaya nagpunta po ko dito. Wala pa po kase akong trabaho dahil fresh graduate pa lang po" Magalang kong sagot na ikinatango niya
"What if ikaw nalang ang pumalit bilang secretary ng asawa ko? Mas gusto kita kaysa don sa h*pokrita niyang secretary na palagi siyang n*l*l*ndi sa office niya" Nakangiti niyang saad. Napakunot naman ang noo ko.
Narinig ko naman ang tawa ng ibang mga ginang maging ng mga asawa nila. Napatingin din ang asawa niya na nasa tabi at nakasimangot
"Honey I'm not fl*rt*ng with her di ko naman siya pinapatulan" Tinaasan lang siya ng kilay ni ma'am Jenica
"So ayaw mo papalitan ang secretary mo? Gusto mo siya? Edi dun ka sakanya umuwi!" Natawa ako dahil parang maiiyak na ang asawa niya habang nagpapaliwanag sakanya
Tinutukso pa sila ng iba nilang mga kasama habang si maam Jenica ay panay ang pagtataray sakanya
"It's okay Henry. Alam ko naman na tumaba na ko kaya di mo na ko mahal" Madramang saad ni ma'am Jenica na ikinaungot ng asawa. Napangiwi naman ang mga anak at pamangkin nila habang kami ni Marky ay natawa maging ang iba pa naming kasama.
Pinigilan kong wag tumawa ng malakas kahit sa loob loob ko gusto ko nang humagalpak.
"Sige tawa pa. Mabulunan ka na niyan" Napanguso ako at kinuha ang tubig na iniabot ni Marky na kaagad ko namang ininom.
"Lamat pre" Napangiwi siya kaya napabungisngis ako. Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya agad kong hinanap kung sino iyon.
Unang dumapo ang mga mata ko sa isang lalaking nakatitig sakin. Parang wala siyang pakialam sa paligid at sakin lang talaga nakatuon ang titig niya.
Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Parang may gusto siyang sabihin base sa mga titig niya sakin.
Napainom ako ng tubig habang nakayuko
"Lucas, stop staring at her like that she's not comfortable" Namula ang pisngi ko sa hiya dahil kahit bulong iyon ay rinig na rinig ko galing sa isang pinsan niya.
Hindi ako nag angat ng tingin at nanatiling nakayuko habang nakahawak sa magkabilang kamay ko.
Biglang may humawak sa mga kamay ko kaya napaigtad ako. Napatingin ako kay Marky na nag aalala akong tiningnan
"Okay ka lang? Bakit namumula ka na naman?" Tanong niya. Ngumiti ako ng hilaw bago nagsalita
"P-pwede na ba magpahinga?" Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil yun ang sinabi ko. Jusko naman Elinita, bakit yun ang sinabi mo?
"Masama ba pakiramdam mo?" Hinipo niya ang leeg at pisngi ko at parang pinakiramdaman ang temperatura.
"Ayos lang ak---
Napatigil kaming lahat maging ang nag uusap nang marinig ang baso na nahulog sa sahig. Natahimik kami at tiningnan kung sino ang may gawa nun
"Oh my Goodness Lucas! Be careful next time son!" Tarantang tumayo si ma'am Jenica at agad nagtawag ng katulong para linisin ang nabasag
"Be careful Rita baka kayo pa masugatan" Saad niya. Gusto kong ngumiti dahil maging sa katulong pinapakitaan nila ng kabaitan.
Napunta ang tingin ko kay Lucas na ngayon ay nakakuyom ang dalawang kamao habang walang emosyong nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Lucas Obsession
Romansa"The day I laid my eyes on you is the day I claimed you as mine" - Lucas Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest