OBSESSION VII
"Elinita, pinapatawag ka ni Mr. Salvo" Napatigil ako sa ginagawa at napatingin sa isa sa mga kasamahan ko dito sa department. Si Jenny. Napatango ako at dali daling iniligpit ang mga papel na nagkalat sa table ko.
Ngayon ang pangalawang araw ko sa trabaho at masasabi ko naman na maayos ng lahat lalo na ang pakikitungo sakin ng mga kasama ko. Tumawag kahapon ang mama ko at kinamusta ako.
"Uhmm Elinita. Free ka mamaya?" Napakunot ang noo ko nang may magsalita at napangiti nang makilalang si Archie pala ito. Nakangiti siya sakin habang nahihiyang nagkamot ng ulo
"Oo bakit?" Natigilan siya at biglang nagliwanag ang mukha
"K-kase... Ano uhm... Dinner sana tayo mamaya. Libre ko. As a thank you dinner sa pagpansin mo sakin kahapon" Napailing ako at natawa
"You don't need to do that Archie. Okay lang naman yun saka ikaw. Aman ang naunang mamansin sakin... Pero sige, libre mo eh" Biro ko na ikinatawa niya lang. Napahinga siya ng malalim bago ngumiti ulit
"I'll pick you up here at 7pm sharp pagkatapos ng duty mo" Ngumiti akong tumango at agad mana siyang nagpaalam na umalis.
Dumiretso ako sa office ni Mr. Salvo dahil pinapatawag niya daw ako. Habang tinatahak ang daan papunta sa opisina niya ay di ko maiwasang mapaisip tungkol kay Lucas. Sa pinsan niya. May s*ltik ata ang isang iyon. Di ko siya maintindihan.
Naalala ko pa ang encounter naming dalawa kahapon. Masyado siyang napaghahalataang b*liw siya dahil sa mga sinsabi at pinag gagagawa niya.
Nang makarating ako ay kaagad kong nginitian ang secretary nito. Tumango lang ito at agad akong pinapasok sa loob.
Natigilan ako sa nabungaran ko. May kasamang lalaki si Mr. Salvo at nang mapansin nilang pumasok ako ay napabaling ang atensyon nila sakin.
Halos gusto kong mapasapo sa noo dahil ito yung lalaking nabangga ko kahapon na di ko pinansin pagkatapos.
"Wait... Anong ginagawa niya dito? Salvo?" Malamig lang siyang tiningnan ni Mr. Salvo na para bang pan t*nga ang tanong niya.
"Obviously she's working here" Ngumiwi pa siya sa pinsan habang ang kasama ay tumango tango lang. Nahihiya akong ngumiti sakanya kaya napangiti siya
"Di ko naman pala alam na dito pala nagtatrabaho ang k*nababaliwan ng kapatid ko" Ngumisi siya kay Mr. Salvo at ngumiti nang mabaling ang tingin sakin
"Hello sister in law. Nice to meet you again" Kagaya nung una at pangalawa naming pagkikita ay nagtataka ako kung bakit sister in law ang tawag niya sakin.
Hindi ko nalang iyon pinansin at bumaling kay Mr. Salvo.
"May sasabihin po daw kayo sakin sir?" Tumango siya bago itinuro ang couch na malapit sa kinatatayuan ko
"Yeah, please sit down for a while... And you" bumaling siya sa pinsan niya na ngayon ay nakangiting pinagmamasdan ako
"Can you just please get out of my office Luke?. You're disturbing my work here. May sarili kang kompanya dun ka mambw*sit o di kaya bantayan mo si Psalm" Naiinis na saad niya sa pinsan
Nakatingin lang ako sakanila habang nakikinig sa usapan nila. Hindi ko kase alam kung anong pinag uusapan nila.
"Tsk! Malaki na si Psalm alam na nun ang ginagawa hayaan mo na" Sa pagkakaalala ko ay pinsan nila si Psalm. Anong kayang meron
"Luke I'm warning you... Kapag nakap*t*y pa ulit si Psalm isasabit talaga kita sa dingding makikita mo" Napakunot ang noo ko dahil sa narinig. Natahimik naman si Luke at naging seryoso ang mukha saks yumuko
BINABASA MO ANG
Lucas Obsession
Romansa"The day I laid my eyes on you is the day I claimed you as mine" - Lucas Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest