OBSESSION XXX
Nanginginig kong inilagay sa table ni Mr. Salvo ang resignation letter ko. Nagtataka man siya ay dahan dahan niya itong kinuha at nang makita ang nakasulat sa likod ay natigilan siya ng tuluyan
"You're resigning? Why?" Ngumiti ako ng tipid bago nagsalita
"U-uuwi na po ako sa probinsya. Doon ko nalang po ipagpapatuloy ang trabaho ko" Mahinahon at magalang kong saad.
Nakatingin lang siya sakin at parang hindi kumbinsido dahil sa rason ko. Parang binabasa niya ang mga mata ko
"You look so sad. Tell me, si Lucas na naman ba ang dahilan?" Umiling ako at nagpilit na ngumiti
"N-nako hindi po... G-gusto ko lang po kaseng makasama ulit ang mga magulang ko na nasa probinsya. Matagal na rin po kase nung huli ko silang makasama. Nakakamiss po pala sila ano kapag hindi ka nasanay na malayo sila sayo" Malumanay kong saad
Nanatili naman siyang nakatitig sakin na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko
"If that's what you want then, who am I to stop you. That's your decison and I'm don't have the rights na pasukin ang personal mong buhay..." Tipid niya kong nginitian
"But if you want to find some jobs in Manila if ever bumalik ka dito, just tell me at wag ka mahihiyang lumapit. Tatanggapin at tatanggapin kita dito sa kompanya ko" Napangiti ako at napayuko
"Marami pong salamat sa lahat Mr. Salvo. Sana po marami pa po kayong matulungan" Mahinhin naman siyang tumawa
"P-pwede po bang wag niyo sabihin kay Lucas kung nasan ako?" Natigilan naman siya at nagdududa akong tiningnan
"Why? Lucas didn't know that you'll going back to province? Why? You two had a problem?" Umiling ako at ngumiti lang
"Care to tell me Elinita. You can share it to me. Hindi ko naman ipagkakalat yan. I'm a secretive person so don't worry, tell me what's running into your mind right now. I want to know what is it" Huminga naman ako ng malalim at pumikit
Wala naman sigurong masamang sabihin ko kay Mr. Salvo di ba? Baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko
"M-magiging tatay na po si Lucas" Gulat ang unang rumehistro sa gwapo niyang mukha.
"My God..." Nakatulala siyang nakatitig sakin at gulat na gulat
"D-don't tell me..." Tumingin siya sa tiyan ko kaya napayuko ako habang siya ay natulala parin
"B-buntis po si Monique... Si Lucas po ang tatay ng bata" Napalunok ako saka napatingala dahil parang bumigat ang pakiramdam ko ulit. Para akong maiiyak kapag naiisip ang bagay na iyon.
"What the h*ll..." Mahina niyang saad habang gulat na nakatitig sakin.
"Did Lucas know about this?" Umiling ako habang naluluhang tiningnan siya at napayuko
"K-kaya po ako nagresign kase..." Lumanghap ako ng hangin habang si Mr. Salvo ay naaawa akong tiningnan
"K-kase po magiging tatay na siya. A-ayoko pong maging selfish at ipagkait sa magiging anak nila ang pagkakaroon ng tatay... M-mahal na mahal ko po si Lucas pero may responsibilidad na po siya..." Napahikbi ako habang panay ang hawi sa mga luha.
Binigyan niya ko ng panyo na pamunas. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim
"Elinita... Pwede namang sustentuhan ni Lucas ang bata--
"A-ayoko pong nakikitang may batang nasasaktan nang dahil po sakin. A-ayoko pong mainngit siya sa iba kase kahit hi di ko naranasan iyon, alam kong masakit" Napangiti ako habang nanginginig ang mga labi
"P-pinapalaya ko nalang po siya... Pakisabi po sakanya na..." Nilapitan ako ni Mr. Salvo at Niyakap saka hinagod sa likuran na mas lalong nakapag paiyak sakin
"P-pakisabi po sakanya na mahal na mahal ko po siya... W-wag niyo pong sabihin na umuwi ako" Narinig ko ang paghinga niya ng malalim
"I am against yoir decision but if that's what you want then I don't have the rights to stop you so I respect your decision..." Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos at gumaan ang pakiramdam dahil nailabas ko ang sama ng loob kahit papaano
"Elinita mamimiss ka namin" Malungkot na saad ni Jenny. Nakatingin silang lahat sakin at bakas sa mukha nila ang lungkot.
"S-salamat sa inyong lahat... Salamat sa nabuo nating pagkakaibigan kahit madalian lang" Buong puso kong saad.
Naiiyak naman na niyakap nila ako isa isa. Bakas ang lungkot sa mga mukha.
"Nga pala..." Binuksan ko ang bag ko at ibinigay ang perang pinahiram nila nun nung nagkasakit biglaan si mana
"Iuuwi ko na. Salamat sa pagpapahiram" Umiling naman sila at ibinigay na sakin
"Sayo na yan. Gift nalang namin sayo kase aalis ka na" Naiiyak na saad ni Rita at tumalikod saka yumakap kay Jenny na ngayon ay naiiyak na rin
Nangingitinkong ibinalik ang pera sa bag ko. Tiningnan ko sila sa huling pagkakataon at agad nang tumalikod. Nang maisara ang pinto ay doon ako napatulala. Napahinga ako ng malalim
"Elinita" Nilingon ko ang tumawag at nakita ko si Archie na nakatayo sa likuran ko.
"Archie..." Niyakap ko siya ng mahigpit. Isa ito sa naging una kong kaibigan. Alam kong gusto niya ko pero kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya
"Aalis ka na? Eh pano yung inamin ko sayo?" Humiwalay ako ng yakap at nginitian siya. Nanatili siyang nakatitig sakin at may lungkot sa mga maya
"Aalis na ko. Sorry Archie pero... Kaibigan lang talaga ang turing ko sayo at wala nang iba. Ayokong paasahin ka kase ayokong masaktan ka. Marami pang iba diyan Archie. Mahahanap mo rin ang nararapat sayo sa tamang panahon. Sa ngayon, mas mabuting mag focus ka muna sa sarili mo habang hinihintay ang mapapangasawa mo. Imbitahan mo na rin ako sa kasal" Pabiro kong saad
Ngumiti siya at napahinga ng malalim
"Ayos lang Elinita. Salamat sa pagiging kaibigan sakin at, oo ba, basta pumunta ka ah?" Tumango ako at nginitian siya.
Isa si Archie sa kaibigan ko na nasa tabi ko nung mga panahong nangangailangan ako. Siya ang unang kumausap sakin nung mga panahong walang gustong kausapin ako. Masaya ako na makatagpo ng kaibigang katulad niya
Mabigat sa dibdib habang papasakay ako ng eroplano. Para akong maiiyak na ewan. Ang sakit sa dibdib. Marahas kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko bago tumingin sa labas. Malapit nang lumipad ang eroplano.
Habang inililibot ang paningin ay di sinasadyang napagawi ang tingin ko sa dumating na mamahaling sasakyan.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang lumabas mula doon ang lalaking naging dahilan kung bakit napili kong magparaya at umalis.
Parang may hinahanap siya at mas lalo akong kinabahan nang makitang papasok na siya sa waiting area ng airport. Napayakap ako sa bag na kandong.
Biglang nag announce ang flight attendant na lilipad na ang eroplano. Nang tumingin ako sa labas ay nakita ko si Lucas na hila hila ng mga guard papalabas. Nakita ko kung pano siya magpumiglas kaya naman ay napaiwas ako ng tingin habang panay ang agos ng mga luha ko
Patawarin mo ko Lucas... Kailangan kong umalis para hindi ko na masira ang magiging buhay niyo ng magiging anak niyo ni Monique
BINABASA MO ANG
Lucas Obsession
Romance"The day I laid my eyes on you is the day I claimed you as mine" - Lucas Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest