OBSESSION XXV
Dalawang buwan. Dalawang buwan magmula nung huli kong nakita si Lucas at sa dalawang buwan na iyon ay gabi gabi akong nasasaktan pero pilit kong inaabala ang sarili para magmukhang maayos.
Wala na kong balita kay Lucas. Baka nga ikinasal na sila ni Monique at bumuo na ng sariling pamilya. Sa iisiping iyon ay nasasaktan ako
"Elinita free ka ba tonight?" Napalingon ako kay Archie nang magsalita ito sa gilid ko. Sandali akong napatitig sakanya bago tumango ng dahan dahan
"U-uhm. Pwede bang, ano... Dinner tayo tonight? Libre ko" Napahinga naman ako ng malalim at wala sa sariling napatango. Gusto ko rin munang makalimot dahil ang sikip parin talaga ng dibdib ko.
"7 pm okay lang ba? Sunduin kita" Hindi ko kayang tanggihan si Archie. Nakikita ko kaseng nakangiti siya at ayokong burahin ang mga ngiti sa labi niya. Dinner lang naman wala namang masama.
Nang umalis siya ay sandali akong napatitig sa likuran niya at kinuha ang cellphone ko nang mag ring
"H-hello ma?" Napatikhim ako dahil parang nanginig ang boses ko
"Anak. Natanggap ko na yung pinadala mong pera. Wag ka mag alala dahil hindi namin ito gagastusin lahat. At ikaw, magtira ka ng pera para sa sarili mo ha? Para may pang gastos ka diyan" Mapait akong ngumiti at tumango tango
"S-sige po" Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng pagka miss sa pamilya ko. Magmula nang magtrabaho ako sa Maynila ay pakiramdam ko nawalan ako ng kakampi. Parang nawalan ako ng sasandalan sa mga problema ko.
"Bakit parang matamlay ka? May sakit ka? Jusko Elinita. Ingatan mo naman ang sarili mo diyan anak ha?" Ramdam ko ang pag aalala ni mama kaya naman di ko maiwasang tumulo ng konti ang luha.
"W-wala po kong sakit ma. Opo iingatan ko yung sarili ko" Kahit di niya nakikita ay nagawa ko paring ngumiti.
Alas sais y medya na ng gabi at nagliligpit na ako ng gamit ko. Biglang dumating si Archie at may dala siyang kumpol ng bulaklak habang nakangiting pumupunta sa kinaroroonan ko
"Good evening. For you" Tipid ko siyang nginitian at tinanggap ang binigay.
"So let's go?" Tumango ako kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya. Nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko. Natulala ako saglit nang biglang maalala ang unang lalaking mahilig hawakan ang bewang ko.
"May problema ba? Masama ang pakiramdam mo? Bukas nalang--
"O-okay lang... Tara" Nagbuga ako ng hangin at agad na nagpatuloy sa paglakad.
Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa napakagandang restaurant. Ang ambiance ng paligid ay nakakagaan sa pakiramdam na parang ginawa talaga para sa mga taong malulungkot at may mabigat na dinadala
"Do you like here? Dinala kita dito kase pansin kong malungkot ka sa nagdaang buwan. You okay?" Tiningnan ko si Archie na ngayon ay nasa harapan ko.
Nasa loob na kami at naghihintay pa ng inorder naming pagkain.
"M-may iniisip lang. Ang ganda dito noh?" Kusang ngumiti ang labi ko habang inilibot ang tingin sa magandang paligid ng restaurant. May kumakain din dito na halatang mayayaman.
"Actually Elinita... I have something to tell you" Natigilan ako at napatitig sakanya na ngayon ay sinserong nakatitig sakin
"A-ano yun?" Kahit na alam kong tama ang instinct ko ay tinanong ko parin dahil gusto ko makasigurado
"I like you..." Doon ako natigilan. Hindi makapagsalita at nakatulala lang habang nakatitig sa kanya
"I really like you Elinita since first day na nagkita tayo sa trabaho. You know, you're different and your beauty really catch my eyes" Nawalan ng emosyon ang mukha ko
BINABASA MO ANG
Lucas Obsession
Romance"The day I laid my eyes on you is the day I claimed you as mine" - Lucas Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest